MASAKIT NA KATOTOHANAN NG ISANG MIDDLE CLASS. (Long post ahead)
Yung iba, flex ng flex ng mga money na hindi naman pinaghirapan. Ikaw naman sa kabilang banda, ni hindi ka ka makapagflex kahit na galing pa sa dugo't pawis mo dahil hiyang hiya ka pa na yung naafford mo ay kulangot lang sa naabot nung mga nambulsa ng tax mo.
I am a 35 years old physician. 10 years na akong Doctor sa Pilipinas. Nagstart ang salary grade ko sa 19 as a resident. When I started working as public health physician tumaas lang ng salary grade 24 pero naubos din as a cancer patient.
Pag tinitignan ko ang income tax return ko noong residente pa ako halos 300k ang bawas per annum and nung full time na ako sa city health nasa 500k to 600k per annum. Take note, parehas kaming Doctor ng asawa ko kaya parehas kaming ganyan ang tax na magasawa. Nung nagcacancer ako, dun ko nafeel na kahit malaki ang tax mo taon taon, hindi ka matutulungan ng tax mo.
During my cancer battle, magkano lang ang covered ng philhealth. Pasalamat nalang ako at Doctor din ako kasi wala akong need bayaran na PF aside sa covered na ng philhealth. Pero pumilila padin ang asawa ko sa PCSO for my chemo drugs na kung saan hindi na din ako namili ng brand kasi kung ano nalang ang available. I have to work in between chemo dahil pag wala akong kita, hindi kakayanin ng sweldo lang ni mike sa government hospital din ang treatment ko. Naubos ko pati mga earned leave. Salamat nalang din may HMO ako sa city government na iniissue sa amin every year dahil nakatulong yung 80k coverage for my surgery.
Nagpost ako ng call for donations. Nilunok ko ang pride ko kasi gusto ko pa mabuhay. I have an active page na may mga mababait na followers who really helped me for my medical expenses, pero ang tanong ay bakit? Bakit nating kailangang mamalimos sa kapwa natin Pilipino na kapwa din natin tax payers?
I resigned to my job last 2023 and worked part time as a private physician so I can focus sa recovery. I only earn about 40 to 60k per month (minsan nga 20k lang) na after a year halos ilan lang ang natira kasi napunta din ulit lahat sa tax. Si husband naman got a chance to work din as private physician na surprisingly aside sa income tax niya sa government, halos 200k pa ulit ang tax na nasisingil sa private practice niya as a starter na nageestablish palang ng private clinic.
We are still renting an apartment. Using an old wigo car we purchased since 2016. We dont have a lavish life and people around us alam nila how we both tried to make ends meet. Marami kayong nakikitang mayayaman na doctor pero look at their age. Most of them are late 40s and beyond 40s kasi yan ang reality din namin.
Naiinggit ba ako sa mga nakikita ko ngayon na nagyayari sa lipunan? Hindi.
Dahil nanlulumo ako. Napopoot ako pero at the same time naaawa ako. Sapagkat ako ay isa ring Kristiyano na matatag ang pananampalatayang may Maykapal, hindi man sa lupa ang hustisya, siguradong sa kabilang buhay. Natulog ba ang Diyos sa kalagayan ko at naming mag-asawa? Hindi naman. Sa totoo lang di naman siya nagkukulang. Never naman namin naramdamang salat na salat kami. Pero kung ikukumpara talaga sa mga buwaya, ay sadyang busog na busog kasi sila.
Watching the senate hearing, wala na akong expectations. May mangyayari pa ba? May hustisya pa ba? Even the bible says na wicked stays wicked despite na pakitaan sila ng Grace ni God. So bakit ko din iaasa sa kamay ng mga tao sa senado o gobyerno ang hustisya? Instead I continue to earnestly pray. For God to continuously help me with to manage my own flesh and desires. Na hindi din ako masilaw gaya nila, and for Him to exercise His power once again, even if it means sa judgment day na.
Kaawaan nawa tayo ng Diyos.
Patuloy lang sa gawaing marangal!
*This pic was taken last 2022 during my cancer journey


No comments:
Post a Comment