Thursday, April 29, 2021

Galit iwasan.

 🔥🔥🔥BAKIT SUMISIGAW ANG TAONG GALIT?


Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?


Anak: Kasi highblood na po sila


Tatay: Ano pa?


Anak: Kasi nga po galit sila


Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa ang mga yan, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong malayo na pakiramdam nila, hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.


Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa... Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.


Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila... Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.


Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan... Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahong gusto mong lumapit, pero di mo na sya makita pa..


🔸"Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot ngunit ang mabigat na salita ay humihila ng galit." 😘❤❤❤


- Petronilo Abayon Bonita

No comments: