Mga Sakit sa Mata sa Pag-edad
Payo ni Doc Willie Ong
Mapapansin natin ang mga ito sa edad na 40 pataas. Ipa-check-up sa ophthalmologist o doktor sa mata kung makararanas ng mga ganitong sintomas:
1. Katarata o cataract - Ang lente ng mga mata ay parang may ulap o puti sa gitna. Ang kulay ay madilim at mabilis masilaw, hirap sa gabi, madalas magpalit ng salamin sa mata, kupas ang kulay na nakikita o doble ang nakikita. Gamutan: (1) tamang grado ng salamin, (2) mas maliwanag na bahay sa labas, (3) sunglass, (4) huwag magmaneho sa gabi (5) operasyon sa katarata.
2. Presbyopia - Ang lente ay hindi makafocus kaya hindi mabasa ang malapitan na letra. Magpagawa ng salamin.
3. Eye floaters o iyung may lumulutang na bagay sa paningin – Kung paisa-isa lamang ang nakikita ay hindi naman delikado dahil ito ay dulot ng pag-edad. Ngunit kung dumami ay kailangan ng magpatingin.
4. Panunuyo ng mata (dry eyes) - Sobrang pagluluha at magaspang ang pakiramdam na parang may puwing sa mata. Patakan ng artificial eye drops.
5. Age-related macular degeneration – Kung saan ang macula ng mata ay humihina. Ang sintomas nito ay: (1) ang maliit na letra at malabo ang mata, (2) ang kulay ay nababawasan, (3) hirap maka-aninag ng mukha, (4) nag-iiba at parang alon-alon ang nakikita, at (5) lumalayo ang mga bagay. Kumonsulta sa isang eksperto sa mata gaya ng Retina Specialist. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin A, C, E, zinc, copper, para hindi lumala.
6. Glaucoma – Tumataas ang presyon sa mata. Madalas ay wala itong babala kaya hindi agad napapansin. Ang sintomas ay: (1) hirap ang paningin sa gabi, (2) tunnel vision, (3) malabo, (4) may “halo” o bilog sa liwanag, (5) namumula ang mga mata, (6) masakit ang ulo o ang mga mata, (7) pakiramdam na parang nasusuka at nahihilo, at (😎 cell damage sa optic nerve. Kumonsulta agad sa Eye Specialist para hindi mabulag.
7. Drooping Eyelid (Ptosis) - Humihina ang muscle sa talukap ng mata kaya minsan ang balat ay tumatakip sa mata. Ino-operahan ito kung nakatakip na sa mata.
8. Diabetic Retinopathy – Kapag hindi na-kontrol ang diabetes ay puwede masira ang mata at mabulag. Dapat nasa normal palagi ang iyong blood sugar.
9. Retinal Detachment – Sa pag-edad, ang mga ugat na nagdadala ng dugo, oxygen at nutrisyon sa likod ng mata ay lumalayo. Ang retina ay numinipis, nagkakaroon ng maliliit na butas at nalalagyan ng fluid kaya lumalayo ang retina sa ugat. Gayun din pag may diabetes. Ang sintomas ay may bagong floaters or light flashes, wavy, dark shadow sa paningin, parang nakasisid sa tubig. Kumonsulta agad sa doktor.
Kumonsulta sa Eye doctor kung: biglang lumabo ang mata, may flashes ng liwanag, masakit ang mata, biglaang pagdoble ng nakikita, biglang pamumula o namaga ang talukap ng mata.
No comments:
Post a Comment