Iwasan ang Cramps o Pulikat
Payo ni Doc Willie Ong
Ang pulikat ay ang biglaang paninigas ng muscle ng ating katawan. Kadalasan, dahil ito sa pagkapagod ng muscle, dehydration at muscle strain.
Minsan, naiipit ang nerve sa balakang o laging nakaipit sa isang pwesto ng matagal. Kapag kulang sa mineral ang katawan, tulad ng mababa sa potassium, calcium, at magnesium, puwede din pulikatin.
Ang mga taong madalas pulikatin ay ang may edad, kulang sa tubig na iniinom, buntis at mga may sakit sa diabetes at thyroid.
First Aid sa pulikat:
1. Stretch at i-masahe – I-stretch ang bahagi ng muscle na namulikat o nanigas at dahan-dahang i-masahe para ito ay ma-relax,
2. Hatakin ang paa - Para sa namulikat na binti o paa, i-deretso ng bahagya ang binti at hita. Kung hindi makatayo, umupo sa sahig o silya kasama ang iyong apektadong binti.
3. Hot o Cold compress - Gumamit ng hot compress para mabawasan ang sakit ng pamumulikat.
Para Maiwasan:
1. Iwasan ang makulangan sa tubig - Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw. Ang dami ng iinuming tubig ay depende sa iyong mga ginagawa, panahon at edad.
2. I-stretch ang muscle – I-stretch bago o pagtapos mo gamitin ang anumang bahagi ng muscle o kalamnan. Kung nagkakaroon ng pamumulikat ng binti sa gabi, mag-stretch muna bago matulog. Maaari itong makatulong upang maiwasan ang pamumulikat sa gabi.
No comments:
Post a Comment