Sakit Na Posibleng Dulot Ng Stress
Ni Doc Willie Ong
Kaibigan, ano ang iyong problema sa buhay? Tungkol ba ito sa love life, trabaho o pera?
Kapag ang isang tao ay may problema sa buhay, kalimitan ay may mga sakit siyang nararamdaman. Heto ang mga pangkaraniwang sakit:
1. Sakit ng ulo at leeg - Bandang taas ng likod hangang leeg ang makirot. Dulot ito ng pagtigas ng muscle sa leeg dahil sa tensyon.
2. Ulcer - Nagiging asidik ang sikmura.
3. Paninikip ng dibdib.
4. High blood pressure
5. Hirap huminga, palpitasyon at kinakabhan
6. Mataas ang sugar o diabetes.
Para mabawasan ang stress, subukan itong mga tips:
1. Magkaroon ng mabait na kaibigan – Makipag-kuwentuhan o chat. Ayon sa pagsusuri, ang pakikipagkuwentuhan sa kaibigan ay katumbas na ng pag-inom ng pain reliever. Tanggal ang sakit ng ulo.
2. Mag-shopping – Nakalilibang ang shopping. Hindi ka naman dapat bumili eh. Tumingin ng magagandang bagay sa mall at mababaling ang iyong isipan.
3. Tumawa - Kahit malungkot ka, subukang manood ng mga masasayang palabas sa TV o sa sine. Sa ganitong paraan, tataas ang mga mabubuting kemikal (endorphins) sa iyong katawan. Giginhawa ang iyong pakiramdam.
4. Isulat ang nararamdaman – May tulong ang pagsusulat ng iyong saloobin sa isang notebook. Naihihinga mo ang iyong problema. Puwede din mag-comment sa internet o Facebook.
5. Matulog – Ang tulog ay sadyang nagpapalakas ng ating katawan. Ito ang panahon na naghihilom ang katawan.
6. Tumulong sa kapwa – Nakagagaan ng pakiramdam ang pagtulong sa kapwa. Nakikita natin na maliit lang pala ang ating problema kumpara sa ibang tao.
7. Magdasal – Ang Diyos ang kayang makaintindi at makatanggal ng ating problema.
8. Kumonsulta sa doktor - Dapat ding magpatingin sa doktor para masuri kung stress nga ba ang dahilan ng iyong nararamdaman. Baka may iba palang sanhi. Good luck po.
No comments:
Post a Comment