PAALALA LANG PO PARA SA LAHAT.
1. Kung nag-positive ka pero asymptomatic, huwag kang nerbyosin. Kaya mong talunin ang virus sa masustansyang pagkain, sapat na oras ng tulog, at kung kaya ng bulsa: multivitamins at minerals plus extra vitamin c with zinc, syempre dagdagan mo na ng positive thoughts, isolation at limpak-limpak na prayers.
2. Kung nag-positive ka at malamang na sa workplace ka na-infect, wag ka ma-guilty.
Kasi kaya ka nga nagtrabaho't pumasok sa opisina ay para sa kabuhayan ng pamilya.
3. Kung nag-positive ka, hindi mo kasalanan ito. Maliban na lamang kung sinadya mong balewalain ang payo para sa minimum health safety standards, naging masyado kang kampante na “virus lang yan”, at hindi ka nag-iingat.
4. Kung nag-positive ang kapit-bahay o ka-barangay mo, WALA SIYANG KASALANAN. Kaya huwag mo ng ikuwento kung kani-kanino na wala naman kaugnayan o maitutulong kundi ang pag-usapan ang buhay ng iba.
5. Kung nag-positive ang kapit-bahay mo, wag mong pandirihan o katakutan.
Ang kailangan mong gawin ay maging maingat, sundin ang health safety protocols, at maging healthy.
Kung kaya ay pwede ka rin mag-offer ng mga pasabay na pagbili ng kanilang kailangan kung hindi sila makalabas bilang kaunting pagmamalasakit sa ating kapwa nasasakupan.
Mas kailangan ng na-infect ang peace of mind, masustansyang pagkain, at prayers mula sa iyo.
Yes! Prayers / Panalangin / Dasal at hindi pandidiri o takot. Panalangin. 🙏
Isipin mo nalang na kung ikaw ang nasa kalagayan nila, paano ka makakatulong.
This is the time that we need to look and take care for each other.
6. Kung nag-positive ka at may mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, masakit na lalamunan, patuloy na sakit ng ulo, panghihina ng katawan, pagkawala ng pang-amoy, pagtatae o nahihirapan sa paghinga,
WAG NG MAGPATUMPIK TUMPIK.
Kailangan mo ng magpakonsulta sa mga healthcare professionals o magpa-confine para matutukan ang kondisyon mo at maasikaso ang pangangailangan mo.
#AlwaysBelieveInGod
#BeatCOVID19
#Kayanatinitodahil
#WeHealAsOnePH🇵🇭
#StayAtHomeStaySafe
#PayongKaibigan
#HelpourFrontliners
#avoidmorecriticalcase
#alwaysbelieveknowledgeispower
CopyPaste Natin 'to 💕💕💕
No comments:
Post a Comment