Paano Palabasin ang Plema
Payo ni Doc Willie Ong
Ang plema (mucus) ay may mahalagang ginagampanan sa pagtanggal ng mga hindi kanais-nais na bagay sa ating baga. Para sa mga malusog na tao, ang lining sa daanan ng hangin sa baga ay may manipis na layer ng mucus na tinatawag na mucus blanket. Ito ang pumipigil sa alikabok, bacteria, at iba pang particles na makasira sa baga. Ang mucus ng isang malusog na tao ay dahan-dahan umaakyat para mailabas ang plema.
Ngunit para sa mga taong malakas manigarilyo, at may sakit sa baga, ang ganitong paglilinis ng baga ay humihina. Dahil dito, ang mucus ay naiipon sa baga at nagiging madikit at madilaw. Ito ang nagiging dahilan para mahirapan huminga.
Heto ang mga tips para maalis ang plema:
1. Uminom ng 8-10 baso ng tubig kada araw para mabawasang ang madikit na plema at madali itong mailabas. Uminom ng mucolytic, gaya ng carbocisteine o ambroxol capsules. Ang mga gamot na ito ay maaaring makapagpabago sa plema.
2. Ang tamang pag-ubo ay nakaupo ng deretso at bahagyang pasulong. Habang umuubo, suportahan ito sa paglagay ng kamay sa tuhod o paglagay ng siko sa armrest. Sa kabilang banda, mahirap umobo kapag nakahiga.
3. Subukan ang pag-langhap ng steam. Mag-pakulo ng dalawang tasa ng malinis na tubig at ilagay sa malaking bowl. Italukbong sa ulo ang tuwalya at saka langhapin ang usok. Ang isa pang pwedeng gawin ay buksan ang hot shower ng banyo at langhapin ang usok.
4. Subukan ang pagtapik sa likod o chest clapping. Gamit ang mga kamay, iporma ito ng patatsulok. Pagtapos ay marahang tapikin ang likod para maglikha ng marahang tunog. Tapikin ang itaas at gitnang bahagi ng likod para matulungan na lumuwag ang madikit na plema. Ang ganitong paraan ay mainam sa mga bata na mayroong pulmonya.
5. Isang paalala: Para maprotektahan ang inyong likod sa pagka-pwersa, subukan ang marahang pag-ubo sa halip na isahang malakas na pag-ubo. Kung nakaramdam na ikaw ay babahing, subukan na kumapit sa upuan, mesa o dingding para masuportahan ang likod sa biglaang pag-ubo o pag-bahing.
6. Matulog na gamit ang 2 unan para hindi mag-ipon ng plema sa lalamunan at baga.
7. Sa huli, mag-patingin sa doktor para malaman ang pinagmulan ng ulo. Kung kayo ay naninigarilyo, ito na ang oras para kayo ay huminto sa paninigarilyo. Tandaan na panatilihin ang inyong baga na malinis at malusog, para kayo ay makahinga ng maayos.
No comments:
Post a Comment