Anong pagkakaiba ni Cynthia Villar, Ralph Recto, Chiz Escudero, Win Gatchalian, at Koko Pimental kay Vico Sotto?
Simple lang. Yung lima pabigat sa buhay. Kay Vico Sotto, gumaang ang buhay sa Pasig City. Review natin bakit “Limang Pabigat” ang dapat itawag sa mga yan.
Cynthia Villar: Principal author at sponsor ng Rice Tariffication Law o Republic Act 11203. Ito ang batas na patuloy na dumedehado at nagpapahirap sa mga rice farmers natin dahil sa naging walang habas na ang pagi-import ng bigas. So much so na sa unang taon pa lang ng implementation ng batas, P40 billion na agad ang nalugi sa mga rice farmers.
Ralph Recto: Principal author at sponsor ng EVAT Law o Republic Act 9337 na nagtaas ng VAT from 10% to 12% at in-expand pa pati sa pagsingil ng VAT sa kuryente at power generation. Mula noon hanggang ngayon, binansagan nang “VATman” si Ralph Recto.
Koko Pimental: Principal author at sponsor sa senado ng TRAIN Law o Republic Act 10963 na nagpataw ng excise tax sa diesel, gasolina, at iba pang fuel products na nagdagdag ng hanggang P10 sa presyo ng diesel at gasolina.
Chiz Escudero at Win Gatchalian: Principal authors at sponspors ng Value-Added Tax on Digital Services Law o Republic Act 12023 na nagpataw ng 12% VAT hindi lang sa streaming services tulad ng Netflix o Spotify, pati na rin sa digital tools na ginagamit ng mga Pinoy digital industry workers at freelancers.
Sabi nila need lahat ng tax na yan to raise additional revenues para sa gobyerno sa laki ng gastos at utang natin na nasa P16 trilyon na ngayon salamat kay Digong at Bongbong.
Samantala, si Mayor Vico Sotto ay nagpapatayo na ng P9.1 billion na bagong Pasig City Hall hindi mula sa additional tax, kundi mula sa additional savings ng Pasig to the tune of P1 billion kada taon.
Paano? Pinataas ni Mayor Vico Sotto ang kita at savings ng Pasig City sa pamamagitan ng mas maayos na pangongolekta ng buwis, matalinong paghawak sa pondo ng lungsod, at pagtapos sa kultura ng kickbacks at pagwawaldas ng pera ng taumbayan.
Hindi natin kailangan ng maraming tax at mga namununong walang relate sa hirap ng buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Kailangan lang natin na labanan ang korapsyon, tigilan ang pagwawaldas, at maghalal ng mga tulad ni Vico Sotto.
No comments:
Post a Comment