Tuesday, May 27, 2025

Bago mag NCAP ayusin muna ito.

 NCAP- Serbisyo ba ito o Negosyo? 


Kung patuloy na ipatutupad ang NCAP habang hindi pa nareresolba ang mga problema kaugnay dito, marami ang “magagalit sa Marcos Administration, at hindi maniniwala na ang ipinatutupad na NCAP ay Public Service, kundi Business.”


Marami pang problema na DAPAT MARESOLBA bago ipatupad ang NCAP katulad ng mga sumusunod:


1. Mga sasakyan na wala pang transfer of ownership: maa-abala at mapeperwisyo ang dating may-ari ng mga ito dahil sila ang irereport ng LTO sa ahensya na nagpapatupad ng NCAP.


2. Hindi maayos na traffic signs, at road markings o lane markings: marami pa dito ang hindi maayos at nagmimistulang bitag lamang sa mga motorista.


3. Mga traffic lights na walang timer: mahirap makarkula ang paghinto sa mga ganito lalo na sa mga motorista na galing pa ng malayong probinsya.


4. Maliban sa MMDA na mayroong Legal Team, may kawani ang mga Lokal na Pamahalaan na walang sapat na kaalaman (incompetent) para tugunan ang mga reklamo o contest ng motorista. Nabanggit natin ito dahil maaring susunod na rin sa MMDA ang mga LGUs sa pagpapatupad ng NCAP.


Bilang advocates, ang RSAP ay nakahandang tumugon sa mga motorista na mangangailangan ng aming tulong alinsunod sa ating pamantayan na- BASTA TAMA, KAMPI-KAMPI TAYO!


Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.

Founder, RSAP

Kaisa ng Sambayanang Pilipino


#colbosita

No comments: