Pilipinas yung bansang feeling mayaman pero hindi naman. Dami kasing tax. Una na diyan pinakamataas ang VAT natin sa Southeast Asia. May excise tax pa tayo sa fuel, sasakyan, sugary drinks via the TRAIN law.
Tapos by June 2025 yung VAT sa digital services like Netflix, Spotify, and other digital services papalo na.
Oh wait, yung panukalang i-increase yung capital gains tax from 6% to 10% baka sumunod na. Bukod sa mga tax may kung anu-ano pang fees yung mga bangko at utilities sa tuwing magtra-transact tayo. Transfer fees at generation loss nagbabayad tayo. Oo nga pala, tayo rin may isa sa pinakamataas na singil ng kuryente sa Asia.
Ang tanong, ramdam mo ba yung binabayad mong mga tax? Ramdam mo ba na palaging level-up ang mga serbisyo ng gobyerno?
Kumusta naman yung bagong gawang tulay na bumigay a few months ago? How about yung mga 19 million na “graduates” natin na functionally illiterate?
Kumusta healthcare sa Pinas? Magkasakit ka lang nang matindi at ma-ospital, pupulitin ka na sa kangkungan. Eh yung bollards sa NAIA na pang-estetik lang pala?
Kumusta yung public transport system natin? Kung hindi luma na, over-capacity at overcrowded na. Tengga naman yung iba, yung iba, it’s taking forever to finish.
Kumusta national debt natin? From P5.8 trillion noong 2016, papalo to P17 trillion this year. Ramdam ba na may ginhawa buhay dahil sa mga inutang natin at sa mga tax na sinisingil sa atin?
Bakit lunod na lunod tayo sa tax, baon na baon tayo sa utang, pero lubog na lubog parin tayo sa buhay? Make it make sense, Pinas. Vote wisely sa Mayo 12.
No comments:
Post a Comment