BAKIT OKAY NA DUMAAN SA HIRAP?
My daughter is living a life I never had growing up. Pumapasok sa school ng naka car, private school, lahat ng gustong kainin nakakain. Pero sa kabila ng lahat ng iyan, I make her experience "hardship"
not sa extreme level na naranasan ko gaya ng sumasala sa pagkain o walang pamasahe papunta sa school.
but I teach her na hindi lahat nakukuha ng madali and may mga bagay na hindi talaga natin makukuha kasi hindi para satin.
simple things - kapag nag papabili sya ng pizza, pero may niluto akong ulam, hindi kami bibili ng pizza. yun ulam namin ang kakainin. Kahit pangatlong init pa yan basta kailangan maubos.
kahit bagong school year if okay pa ang bag, shoes at kasya pa ang uniform hindi bibili ng bago. sometimes she would ask me to open a bottle of iced tea pero sasabihin ko kaya nya na yon. sa mga pagkakataon na hindi ako makapag drive, kahit may pang bayad sa grab, mag jejeep or tricycle kami kasi mas praktikal. kapag gusto nya ng robux, kailangan makakuha ng good grades, hindi kailangan perfect, pero huwag din naman sobrang mababa o bagsak.
Sa tingin ko, marami sa mga baby boomers, gen x and millennials, pinatibay ng kahirarapan.
We need to experience hardship so we appreciate more the value of success especially if its hard-earned success.
at the same time i make her experience the life i work so hard for her kaya madalas nag trravel kami together, kumakain sa labas from time to time. something na i wish nagawa ko rin kasama yung mama ko pero hindi nya na nahintay na makaluwag-luwag ako.
we all have our own parenting style pero para sakin, ito ang paraan ko para maunawaan nya na pinag hihirapan ang mga bagay at maraming bagay na nagpapatibay satin dahil sa pinagdadaanan nating kahirapan.
kung napadaan ito sa feed mo at isa sa ka sa hindi pa nakakatawid sa kahirapan, tandaan, "kung kaya ko, kaya mo rin!"
No comments:
Post a Comment