Sa mga nagsasabi puro Hype lang daw si Alex Eala obviously walang alam sa tennis. Ang tennis po ang pinakamahirap na sports kasi madami ka need na iconsider na factors...
1. The courts are different
A. Hard Court
B. Clay Court(may blue clay, red clay pa)
C. Grass Court
Yan ung 3 basic ung mga artificial grass nadagdag nalang din naman yan. Sa bawat court iba ibang style at skill sets ang need. Kaya nga si Iga tinalo ni Alex sa hard court pero tinalo cia sa Clay court. Even the #1 Aryna Sabalenka in women's and # Jannik Sinner haven't won a slam in clay and grass but maybe this year d natin alam. Alex is good in hard court pero nagsstruggle cia sa Clay kasi d cia need pa nia maimprove serve nia. Bihira lang talaga ung mamaw ng athletes na are really great in all surfaces like Djokovic, Federer, Nadal, Serena Williams atbp.
2. Close and Open Roof and time of match
- malaking factor din to kasi may mga player na di sanay na matagal sa init, and may mga iba naman di sanay sa gabi ang game, the wind is also a big factor.
3. Style of play - di lang sa boxing ang style make fights pati sa tennis din, kung babalik tayo sa Miami ung 3 na tinalo ni Alex na sila ostapenko, Keys at Swiatek, hirap si Pegula sa mga yan kasi hard hitters malalakas pumalo at may malakas na serves pero kaya nanalo si pegula vs alex kasi patience gaming si Pegula, d ka nia titigilan sa mg rally hanggang sa ikaw ang mawalan ng pasenya at ikaw ang magerror, nung finals di cia nakaubra kay Sabalenka kasi malakas ang serve at palo ni sabalenka.
Wag kayong maging kups sa kapwa nio Pinoy. Suportahan natin ang ating sariling athlete kasi nirerepresent nila tayo. Sa mga sugarol naman wag nio isisi sa athlete kung natalo kayo, sadyang engot lang kayo d nio inaaral bago kayo tumaya. Ung mga malakas maghate obviously sila ung wala talaga alam sa sports, gumagamit pa ng dummy account. At the end of the day talo man si Alex may uwi pa din cia 4.91M eh ung mga bashers puro kuda lang try nio minsan mata gamitin sa panonood at di bunganga 🤣😂
No comments:
Post a Comment