Mahirap pasukin ang construction industry π·π»♂️π·π»♂️π·π»♂️
Madami kang kailangangan malaman
Madami kang aasikasuhin
Madami kang kakausapin
Madami kang iintindihin
Kapag nagkaproject ka na, iisipin nila big time kaagad
Iisipin nila malaki kaagad ang kita
Hindi nila maisip na hindi naman ganun kalaki
Kasi gusto mo lang naman makapasok
Tatanggapin mo ang mali mo
Responsibilidad mo yung delays
Aakuin mo ang palpak, kasi ikaw dapat
Ikaw dapat ang nakakita
Ikaw dapat nag instruct
Ikaw dapat nagbantay
Kapag hirap sa billing
Gagawa ka ng paraan
Makikiusap sa hardware
Gagawa ng paraan para sa sweldo ng tao
Maghahanap saan magpapaikot ng budget
Bitbit mo karamihan sa site
Concerns ng cliente
Instruction ni Architect
Revisions ni Engineer
Billing ni Supplier
Pambayad ng tubig ni Construction Worker
Sa simula, gitna, patapos
Nandiyan ka
Bitbit mo hanggang sa pagtulog yung problema ng site
Makukuha kaya ang target
Makakapagbilling kaya
Maaapprove kaya
Arkitekto, Inhinyero, Supplier, Empleyado pati Clients
Babalansehin mo
Kailan ka dapat maging matigas
Kailan ka magiging malambot
Kailangan mo pagbibigyan
Kailangan mo tatanggihan
Pero sa simula mahirap talaga
Kasi bago ka pa lang
Pero kapag tumagal ka na
Mas dadali na
Matututo ka na
Masasanay ka na
Gagaling ka na
Mahirap ang pangongontrata
Pero kung maniniwala ka
Kakayanin mo!
#GroundBreakers
No comments:
Post a Comment