Wednesday, September 03, 2025

Good governance.

 Just sharing the experience of one of Naga’s constituents. The People’s Council is the legacy of former SILG Jesse Robredo where people can participate in the discourse regarding projects implemented in the city or to raise citizen concern.

In private sector, this is equivalent to change management (technical review board) or stakeholder review.


Ganyan namen na observe nung estudyante pa kami sa Naga pano ang leadership and project management.

Kaya mataas talaga ang expectations ko ng mag migrate ako sa Metro Manila kc sa Naga nga nagagawa isang maliit na syudad ang tagline pa noon ay “Uswag Naga!”


Anyways, na realize ko na hindi lahat ng lider ay gaya nya. At wala akong na experience na ganyan after Naga. Sigh! There was a time na gusto ko mag reklamo sa mayor kc grabe traffic, and I want to suggest an alternative, hinarang ako at wala daw appointment at d daw basta basta pinupuntahan ang mayor ha! Eh sa Naga open door policy si Pogi.

Anyways, ang mayor na yun ay d naman na na re elect pero pinalitan sya na naging dinastiya na. Sigh! Ang hirap Pilipinas! 

Dapat sana ang gobyerno ang katuwang mo sa pag asenso, pero sya pa ang dahilan at lugmok ka Pilipinas kung mahal.


May kwentong Flood Control din ako.


Last 2022, SI Executive Director ng Naga City People's Council c Glad Belmin tinawagan ako, 

Sabi nya "Be, Diba Agricultural and Biosystems Engineer ka?, May Project kasi Ang National Department of Public Works and Highways na Flood Control for Naga pwede ka ba namin hanging Resource Person kasi may pupunta na taga National."

Parang consultation, etc.

(Actually ito Ang naging daan para makasama ako sa NCPC.)


Sa madaling sabi, may irrigation and drainage tayo at soil and water conservation engineering,resource management na masteral degree pumayag naman ako.


Ang sinasabi natin Ngayon kailangan ng isang LGU ang isang AGRICULTURAL AND BIOSYSTEMS ENGINEER na may sariling DIVISION.


Hindi lang sa pag asikaso ng food security ng kumunidad pero sa pag bigay ng mga inobasyon o NATURE BASED SOLUTIONS Na Hindi makakapahamak sa environment kundi makakatulong para mas maoptomized Ang resources.


Ang nasabing flood control project at hinarang natin bilang agricultural biosystems Engineer dahil s mga susunod na rason:


1. Maaagawan ng resources (land,water,nutrients) Ang acting mga magsasaka, malaki din Ang demand nilang area.


2. Madidisplaced Ang ibat ibang biodiversity sa Lugar pati, mga nutrients.


3. Walang konkretong kapakinabangan Ang structure. At walang maayos na specifications na naipresenta.


4. Hindi matukoy Ang eksaktong Lugar Kun saan ilalagay Ang flood control project.


Sa huli, Hindi na implement Ang project.

Masaya tayo kasi Ang Naga City ay mayroon magandang mekanismo.para sa People's Participation, nagkaroon tayo ng pagkakataon na pag aralan at pagusapan Ang projekto at tayo naman ay napakinggan.


At salamat at Hindi Tayo nakasali sa listahan ng mga ghost project ng flood control.


Kayo Anong flood control kwento nyo?

No comments: