bakit hindi para sa lahat ang 50-30-20 rule?
50% ng sweldo para sa needs
30% sa wants
20% sa savings
ito ang payo ng ibang financial experts para makasave. pero hindi po ito para sa lahat.
ang minimum wage sa metro manila is ₱695 pesos per day. mas mababa pa if sa labas ng metro manila. kung ang pamilya nyo may four members (nanay, tatay, dalawang anak) sa bigas, ulam, water at electric bill, baon sa eskwela kukulangin na ang 695 pesos. sa mga news report ko madalas kakwentuhan ko ang mga jeepney at taxi driver na hindi naman nalalayo sa minimum wage ang kita. maaring mas mababa pa nga depende sa araw.
kung dalawa ang minimum wage earner sa pamilya 1390 pesos per day maaring meron na pang konting "wants" pero hindi pa rin kaya ang 20 percent para sa savings.
for me ang effective na "formula" is set aside ANY AMOUNT as soon as matanggap mo ang sweldo and do that CONSISTENTLY. 24 times in a year o tuwing kinsenas. kung weekly and sahod mas maganda. kung daily, pinaka maganda! imagine if weekly ang sahod at sinesave mo 100 pesos per week, after one year meron kang 4,800 pesos. if daily ang sahod at nagtatabi ka ng 50 pesos per day or about 7 percent lang ng daily wage mo, after one year meron kang 13,000 pesos.
pero hindi dyan nag tatapos. yung 4,800 o 13,000 o kung magkano ang naipon mo, wag mong itago, IINVEST or NEGOSYO mo. do that for 3 to 5 years magugulat ka, nag babago na ang buhay mo 🙂
habang lumalaki ang sweldo mo, dagdagan mo ang sinesave mo. hindi kailangan 20 percent. any amount okay lang yan basta consistent.
may natira pa sa sa sweldo mo noong weekend? save mo na at umiwas muna sa 9.9 😄
gaya ng lagi kong sinasabi, tandaan "kung kaya ko, kaya mo rin!"
PS
kung ang sagot mo sa tanong ko eh wala ng natira sa sinweldo mo noong katapusan, may chance ka ulit sa 15th. wag mo na palagpasin ha? im cheering for you!

No comments:
Post a Comment