Thursday, April 09, 2020

4P's continue

Ang trending ng issues about 4Ps members ngayon. Soooo.... Here's my family mga kabayan.

This is not to brag or boast but I feel like it is the time to share this. May this serve as an inspiration.
Take time to read medyo mahaba but I hope you get something from it.

This is also for the members of 4Ps or other people getting some help from the government, at sa mga mahihirap na tulad namin. I read a post about sa ayudang ibinibigay ng gobyerno para sa mga mahihirap nating kababayan, some posted and questioning bakit ang unfair? It is just making those people lazier dahil puro pasarap buhay, naghihintay na lamang ng tulong, at nananatiling walang trabaho at hindi matututong magbanat ng buto.

 My family is a beneficiary of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, hindi kami mayaman, so the financial assistance coming from the government is really a big help for our studies and some of our necessities. The help coming from the government isn't just being spent for nothing.

 In spite of the help we get, my parents never stopped working. Tatay ko ay dating tricycle driver, nagconstruction sa Manila, at ngayon nakikisaka sa bukid. Porsyentuhan lamang, may may-ari ng lupa at ilang percent lang ng ani ang para sa amin. Technically ang kita sa pagsasaka ay hindi monthly but every cropping season. So ang tendency kapag may kailangan lalo na kapag magpapasukan na, mangungutang, then mababayaran lang after ng anihan. Ang Nanay on the other hand is a parent leader, and walang another sweldo para sa mga paper works at pagdalaw sa ibang members na madalas nilang ginagawa. We've been a member for how many years now. And never did the money was used by my mother to get some hair treatment or ibili ng luho. Laging para sa pag-aaral and necessary needs namin. In fact, my mother have done so many works, naging tindera sa palengke, nagtanim at naggapas ng palay, nag-sibuyas atbp, at ngayon namamasukan bilang kasambahay ang Nanay ko para matulungan ang Tatay at Kuya dahil dalawa pa kaming nag-aaral ng bunso kong kapatid. Tapos given the fact that hindi mataas ang presyo ng palay, mahirap kumita ng pera pero mataas ang cost of living...mahirap maging mahirap.

Baka sabihin ng ibang mga kakilala, "Eh galing kayong private school ah?". To tell you, If I and my siblings weren't able to get scholarships hindi naman kami kayang pag-aralin sa private school ng mga magulang namin, we strived to get high grades. We were given full scholarsips, kaming tatlong magkakapatid sa buong taon ng High School namin. Bukod  sa tulong ng eskuwelahan, lahat in-apply-an namin, scholarship ng congressman, mayor, we worked in SPES, we strived to be a scholar sa University... that's what our parents taught us, how we should value education. Ngayon si Kuya ko graduate na, may desenteng trabaho at may propesyunal na lisensya. As for me, I am currently studying at Central Luzon State University, free tuition fee, proud scholar!

 We owe the tax payers, sa pera ng taong bayan, and to the government who spend a lot of funds para sa mga mahihirap. We are a poor family, sapat para makasurvive sa pang-araw-araw. So wala kaming choice kundi gumawa ng daan para sa oportunidad na makaahon kami sa kahirapan, kasi kung hindi kami ang gagawa, wala kaming aasahan, lalo kaming malulugmok.

But it is a bit sad how.... hindi lahat ng miyembro ng 4Ps but mostly ay hindi makapag-antay sa tulong na mula sa gobyerno, ang iba isinasanla pa ang cash card para lang ipangutang (this is against the aggreement of being a member). Ang iba nagpaparebond, hulog sa homecredit, and some even have the guts para bumili ng alak at sigarilyo rather than spending the money for their family's necessities. At ilan nga sa mga miyembro ay umaasa na lamang sa tulong na buwan-buwan tinatanggap at nananatiling walang trabaho. (Based on what I've observed and I am just being real here, ayokong magpakahipokrito).

 Gumawa tayo ng paraan at huwag hintayin na lamang at umasa sa tulong ng ibang tao. Let us change for the better, WE SHOULD BE THE ONE MAKING OUR LIVES BETTER. Afterall, wala tayong ibang aasahan, at walang ibang may responsibilidad sa buhay natin kundi ang ating mga sarili. Malayo pa kami sa pangarap naming maginhawang buhay, pero hindi namin i-aasa ang kinabukasan at kahihinatnan ng buhay namin sa ibang tao.

Hindi kasalanan ang pagiging mahirap and poverty isn't a choice... but it is your choice whether you'll stay poor for the rest of your life.

Ps. We should maximise our resources, we are facing a crisis here y'all. Lalo pa sa maraming pamilya ngayon na sa ayuda lang naman ng gobyerno umaasa. We should know our priorities, kapag naubos ang ayuda ng gobyerno, hindi ang COVID-19 ang papatay sa atin kung hindi ang gutom. As for now, surviving this crisis is our only choice.

#ProudAnakngMagsasaka
#ProudIskolarngBayan

Kami ay mahirap ngunit mayaman na lalong higit sa pananampalataya.

Spread hope, love, and positivity mga kapatid!🇮🇹

No comments: