Tuesday, April 21, 2020

Sad truth that need to be reflected after Covid-19.

Repost:

sadly but 100% true hindi po nakakain ang bahay na bato at gate. nagugutom din po ang mga taong nakatira sa mga Subdivision be Fair po sana, No Work No Pay din po kmi.. sa COVID19 apektado rin kami..

An open letter to the government:

Nakikita naman namin ang effort at hirap niyo. Un oras at lakas na inuubos niyo para ma "flatten ang curve". Hindi birong pressure at stress ang inaabot niyo ngaun. And with all our hearts, naappreciate namin yan.

Pero pansin na ng karamihan na priority niyo ang mga taong hindi ginawang priority ang mga buhay nila. Umasa na ng tuluyan sa binibigay nio, at gaya din namin ngayon - hindi rin sila kuntento. Yes! Nakukulangan kami sa aksyon para sa aming mga MIDDLE CLASS  REGULAR TAXPAYERS.

Yung mga nakatira sa subdivisions, may mga bills din yan, may expenses, may budget na kinukulang din ngayon. Yun mga may kamag anak sa abroad - lockdown din sila ngaun, bawas din ang sahod at apektado din sila ng economic kick. Kahit ang may mga negosyo wala din kinikita ngaun yan pero bakit hindi pwedeng tulungan? Dahil may ipon? May naitatabi pa? May huhugutin or credit cards na pede iswipe kapag walang wala na? Tulong niyo samin puro loan na kami din magbabayad tas sila libre lang?

Mali po yun. Hindi na patas.

Nagpapasalamat kami na kahit pano nakakasurvive kami pero hindi nangangahulugan na hindi na kami entitled tulungan. Bakit? Kasi ang perang pinapamigay nio, galing po sa pinagpaguran namin. Sana po okay lang kayo.

Pinagpaguran ng mga taong ginagawang umaga ang gabi makapagtrabaho lang para hindi umasa sa 4ps program niyo. Mga taong kahit murahin na ng mga dayuhan na kausap namin, okay lang bayad naman ang araw ko. Nag oovertime, nagbebenta, pumapasok kahit rest day para lang maiahon namin ang mga pamilya namin.

May share din syempre yung mga nagttrabaho sa mga barko. Mga nababaliw na kasi walang makita kundi tubig at langit pero nagtitiis may maipadala lang sa pamilya. Nakataya ang mental health nila jan pero sige lang - para sa kinabukasan yan eh.

Nag share din jan yung mga nasa private sectors na maoobliga din ngaun na gamitin yung mga leave credits nila na pwedeng sanang magamit sa mga susunod na buwan kung kelan puwede ng lumabas at mag enjoy kasama ng mga pamilya namin. Malaki ambag nila jan kasi sa totoong buhay, malaki ang porsyento ng pondo nio galing sa private sectors na dinededma nio.

Mas malaki ang ambag jan ng mga OFW na pinagkukunan niyo ng bilyong halaga para sa mga proyekto niyo kasama na ng pabahay na binigay niyo ng libre sa mga iyaking Kadamay na nangunguna pa sa pagsuway sa batas niyo pero bidang bida sa hingian ng ayuda ng gobyerno. Nagtitiis yang mga OFW na yan na mawalay sa pamilya nila makapagpadala lang pero bakit sa tulong ekis sila? Ampoga naman pala.

Bakit ngaun na abutan ng tulong hindi nio kami kinikilala? Bakit sila pa din at sila lang lagi?

Sila na wala ng balak baguhin ang takbo ng mga buhay nila at patuloy na lang sa pagsandal sa binibigay niyo na galing din naman sa kinakaltas niyo sa amin.

Sila na kahit kaya naman maghanap buhay ay mas pinipili na lang makipag chismisan sa eskinita kung saan sila lagi ang bida.

Sila na kawawang kawawa sa paningin ng lipunan pero ang totoo, mga walang pagpupursigi yan. Hindi ko nilalahat pero ganun pa din, marami pa din jan walang kusang palo kumilos. Pinanindigan na aasa na lang sila.

Bakit hindi nio din sila obligahin na maghanap buhay kesa panay kunsinti nio sa kanila? May mga PWD na nagttrabaho, mga matatanda na nagtitinda pa rin, mga walang pinag aralan na umahon sa kahirapan. Bakit sila hindi pwedeng ganun?

Ginagawa nio ang lahat pero hindi patas. Tumutulong kayo pero sa iilan lang. Gaano na ang 5k-8k na halaga pero hindi un ang issue eh - ang tanong namin:

Bakit sila na naman?

Pag hindi kami nagbayad ng tax, penalty kami jan pero pag sila ndi nagtrabaho susustentuhan na lang ng gobyerno? Tambay tambay na lang, ganun? Nakakasuka na po ang paawang paraan ng pananamantala.

Hindi masama ang tumulong pero wag niyo kunsintihin. Hindi masama ang turuan silang magbanat ng buto para maipasa naman nila sa mga anak nila ang aral ng pagsusumikap hindi un bubuo at huhulma lang uli kayo ng isa pang henerasyon ng mga pabigat.

Kbye.

No comments: