Tuwing bakasyon wala naman po kaming allowance kaya kailangan namin kumayod para may pangdagdag pangkain ang pamilya.
Sa loob po ng limang taon di ko na nabilang kung ilang beses akong lumuha dahil sa hirap na minsan nawawalan din ng pag-asa, pero nanguna po sa mga naging inspirasyon ko yung pamilya ko na sana dadating yung araw na hindi na namin kailangang maging uhaw sa ayuda ng gobyerno, na sana dadating yung araw na hindi na kami makakarinig ng sumbat mula sa kapwa namin dahil masakit po, Masakit na kahit anong kayod mo kulang at kulang pa rin tapos ang tingin sayo tamad dahil walang nararating sa buhay. Naalala ko po yung sinabi ng kaibigan ko na tumatak sa akin, " WE'RE LIVING IN THE SAME GENERATION BUT NOT WITH THE SAME EXPERIENCE".
No comments:
Post a Comment