Alam ko po nag-aalala kayo. Balisa at maaaring hirap matulog ngayong may kinakaharap tayong krisis. Sana makatulong itong post ko.
Just sharing…
Higit dalawang dekada na akong nasa medical practice pero wala akong alam na gamot na nabibili sa drug stores para labanan ang stress. Maaring magreseta ang isang doctor ng tablet o kapsula tulad ng mga diazepam, bromazepam, clonazepam, alprazolam at iba pang may “pam” sa dulo ng gerenic name… para pampakalma lang temporarily. Short-term treatment for insomnia, anxiety or panic attacks lang mga yan. Hindi nito natutulungan sa pang matagalan ang pasyente. Ang masama pa, ito’y maaaring magdulot ng drug dependence (addictive) at side effects sa pasyente tulad ng pakiramdam ay laging lutang (floating), blangkong pag-iisip at di makapag-concentrate.
Alternative medicine is used in place of conventional medicine in dealing with stress. Conventional western medicine will only alleviate the symptoms not treat the cause.
Isang magandang halimbawa, may naging pasyente akong 67 years old na ginang na hindi makatulog ng maayos for almost 5 years. Nung una kong nakita nagulat ako sa dami ng gamot… sa altapresyon, sa puso, diabetes, arthritis, pampatulog at pampakalma na bromazepam atbp. Main complaint niya yung di makatulog, mabigat ang dibdib at madalas masakit ang ulo. Maayos naman po lahat ng resulta ng blood chemistry at iba pang lab test.
Nung tinanong ko na, “Mommy sa palagay niyo ano pinagmulan ng di niyo pagkatulog?”Ito po sagot niya, Doc ikaw lang nagtanong niyan sa akin sa dami ng doctor na pinatingnan ko. Kasi mga 5 years ago yung anak kong panganay ay nag-sha-shabu. Laging nainit ang ulo at sigaw ng sigaw. Ang mga gamit sa bahay isa’t isang nawawala at binebenta niya. Byuda na ako at kami lang dalawa ang nasa bahay. Yung ibang kong anak di nila kaya kuya nila. Tatlo silang magkakapatid at yung isa kong anak na babae ay OFW sa Singapore. Nakakayanan ko naman kaso mula nung nalaman ko na yung alahas na pinamana pa ng nanay ko sa akin ay nawala doon na nag-umpisa yung di ko pagkatulog. Ayos lang sana nawala yung electric fan at iba pang gamit sa bahay kaso yung kuwintas at singsing bigay ng nanay ko sa akin. (mommy crying so hard while narrating)
As a doctor, wala naman akong magagawa para maibalik o maibsan yung sakit sa damdamin ni Mommy. Kinausap ko siya at tinanong kung may apo ba siya? Sagot niya, “dalawa po apo ko dok at yun ang kunswelo ko sa buhay.” Wala naman akong maisip sabihin kundi… Mommy maski ano pa gawin natin di na natin maibabalik yung alahas na nawala. Kung mahal niyo mga apo niyo sigurado akong mahal din nila kayo. Spend more time sa mga apo niyo at dapat mas lumakas kayo para maalagaan at gabayan niyo sila mabuti. Nung mga panahon na yun may isa akong pasyente na nagbibigay ng stampita ni Mama Mary. So ang ginawa ko po, hinawakan ko kamay ni mommy at inabot yung stampita at sinabing try niyo po na wag uminum ng tranquilizer mamayang gabi. Hawakan niyo po yang stampita sa pagtulog. Sarado niyo lang mga mata niyo maski di kayo makatulog.
After 2 weeks, bumalik si mommy sa clinic na may dalang basket of fruits. Nagpapasalamat at mula daw nag-usap kami nakakatulog na siya without sleeping pills. Bumuti daw pakiramdam niya at gumanda ang aura.
Dyan ko napatunayan sa aking sarili na hindi lahat ng sakit gamot ang katapat. Yung simpleng pakikipag-usap, para sa akin, ay higit na mahalaga sa ikabubuti ng pakiramdam ng isang pasyente. That’s one alternative medicine I learned through years of medical practice.
Kaya wag kayo matakot dahil sa panahon ngayon it’s okay not to be okay. Lahat naman tayo nakararanas niyan. Hugot tayo ng lakas ng loob sa isa’t isa. Malaking tulong po yan at wag kalimutan magdasal.
Faith 🙏
No comments:
Post a Comment