Thursday, April 16, 2020

The Empress stock story.

Looking at this picture, grabe ang dami ko na palang dinaanan. Eto yun sabi ko 6yrs ago, struggling trader pa ako nito. Ang bilis ko mahype, funny-walain, bibili pa lng ako sila nagbebenta na 😢😢

Tapos maiinis ako nun kung sino ba nagpost nun, naka Facebook analysis din ako that time. Ang dami kasi ng stock hindi ko alam paano pumili, hindi din ako marunong gumawa ng trading plan. Hindi ko pa nabubuo ang Traders Empire group that time. Sunod lng ako sa agos...

Kaya sa bawat sakit nun, lalo akong nagpursige. Sa bawat talo, lalo akong nagaral. Wala akong kilalang nagsstock market, ni wala akong mapagtanungan. Kaya sariling sikap ang lahat.

Wala pa gaanong nagppost nun about Technicals, lahat babayaran mo ang masakit hindi ko kayang magbayad pero sobrang gusto ko matuto. Hindi ko kayang magbayad ng 100k-200k pataas para matuto. Isa lng akong Ofw na may maliit na sweldo.

Naalala ko nun after work (dahil nagttrabaho pa ako that time), nagkukulong ako sa bodega para lng matuto, nagaaral ako magisa, ayaw ko kasi ng may kakausap sakin, focus lng...

Im not even sure before if this is my passion, hindi ko din naisip na “What if I fail..” Hindi ko ginawa yun attitude or mentality na, baka hindi para sakin ito, or any negativity that will betray myself. Naguumpisa pa lng iddiscourage ko na agad sarili ko... Madaming gumagawa nito sa kanilang mga sarili. Remember, you are your own biggest fan. Ikaw ang magmmotivate sa sarili mo kapag nanghihina ka, hindi mo yun pwedeng iexpect o hanapin sa iba.

It is true, Hard work will never betray you. At sana makita mo na minsan isa lang din akong newbie, starter account, isang dating ofw. Katulad mo ay nangagarap matuto, kumita, gumaling...

Dapat ko bang sabihin na “Kaya mo din ito”, wala nman imposible kung gugustuhin mo talaga at definite ka na gagawin mo. Pero hindi mo ito magagawa kung hanggang ngayon tinatamad ka at ayaw mong tulungan ang sarili mo.

Kaya tuloy tuloy ka lng, isang araw hihintayin kong marinig nman yun kwento mo... ❤️❤️

______________________

Guillen Rocher

No comments: