Monday, April 27, 2020

4P's Tax Payer din.

O ETO PA.. LAMAN UTAK DIN ETO SA MGA DI MAKA MOVE ON....πŸ‘ŠπŸ‘ŠπŸ‘ŠBE THANKFUL NA DI IKAW NAKATANGGAP.. IT MEANS ONLY ONE THING ... YOU ARE BLESSED🀝

Yung mga 4 Ps, nagbabayad din sila ng tax. Lalo na ng indirect taxes kagaya ng VAT, Excise Tax at Customs Duties.

Sa Local Gov't Code nga may business tax din ang mga peddlers eh. P50.00 per year.

Kapag bumili sila ng gaas para sa gasera nila, may excise tax at VAT yun. Ganon din kapag nagpagasolina sila ng motor nila (kung may motor).

Halos lahat ng ginagamit o kinakain ng mga tao ngayon, may imported component. Diba pinapasa pasa lang din ng importer/manufacturer/distributor/wholesaler/retailer sa end user/consumer ang Customs Duties & VAT na binayaran ng importer nang pumasok sa Pilipinas ang imported component?

Kapag ang mayaman o middle class na senior citizen kumain sa fastfood o restaurant, siguradong mabibigyan ng discount. Less 20% na, VAT (12%) exempt pa.

Pero kapag ang senior citizen na mahirap kumain sa karinderya, walang discount discount.

Kapag yung mayaman naggrocery sa Supermarket, pwede rin makadiscount gamit ang senior card at booklet.

Kapag yung mahirap na senior citizen namili sa sari-sari store, wala nanaman discount. Buti nga kung may pambayad agad, baka magpapalista lang sila ng utang.

The point is TAXPAYERS din ang mga mahihirap at marami silang mga DISADVANTAGES sa buhay kaya dapat lang maging PRIORITY sila sa tulong galing sa GOBYERNO.

#ctto

No comments: