So Insentive Daw
Nahiya naman akong magpost ng foods dahil baka iisipin ng iba na bakit ako nagpopost ng masasarap na pagkain ngayong ang daming walang makain.
Kaya napansin niyo naman siguro na wala na akong post lately sa ulam namin nitong nakaraang araw. Kaya wala kayong nakitang post ko na Afridada; Adobo, Kaldereta, Mechado, at yung paborito kong Tuna fillet with Kalamansi. Nakakahiyang ipagyabang pa.
Sabi ni Bro. Ed Lapiz...
BAWAL PASAYAHIN ANG SARILI DAHIL MAY MGA TAONG HINDI MASAYA?
Up to a point, may point naman sila.
Pero NASA TUMITINGIN YAN.
MARAMI RIN NAMANG KULANG SA FOOD KAHIT NOONG HINDI PA CRISIS.
Nung nagka-crisis nga ay may mga nagka-supplies and cash from the govt and private citizens --- na dati wala naman.
So, kung lumiligaya kang mag-post, go ahead. Yun namang talagang sagad na walang makain now ay malamang wala ring internet o gadget para makita ang posts mo.
Kung nalilibang at sumasaya ka, mabuti. You are one less candidate for depression.
Yung mga pumipigil sa yo, tanungin mo kung nakapamigay na sila ng food sa mga nagugutom na gusto nilang i-protect from your posts.
May katuwiran si Bro. Ed Lapiz.
Salamat po.
Kaya pwede ko na ipost sa comment box mga picture ng foods ko. 😊😊😊
No comments:
Post a Comment