Ipinabatid ni Gov. Jonvic Remulla noong Martes ng gabi na hindi kakayanin ng lalawigan ang magpatupad ng total lockdown dahil sa kakulangan ng pwersang militar at kapulisan.
"There are only 2,000 policemen and 100 AFP personnel available for deployment. A ratio of 1:2,100," sabi ni Remulla sa kaniyang post.
Samantala, hindi rin maipapasara ang mga palengke at pamilihan dahil sa mga limitasyon sa resources ng pamahalaan at ng ating mga kababayan.
"Kung isara po ang lahat ng palengke at supermarket ay may implikasyon, approximately 12% of the homes in Cavite (12% of 1,000,000 homes is 120,000) have no refrigerators. Kailangan araw-araw nabili ng pagkain," dagdag ni Remulla.
"The LGUs cannot feed 4,500,000 people for 14-15 days. We have been doing our best for the past 5 1/2 weeks. That would mean 180,000 cavans costing 3,600,000,000 pesos. As is, the mayors are stretched to the limit in their capacity to provide," aniya.
Sa kasalukuyan ay nanindigan ang gobernador sa mga kundisyong itinukoy nang ianunsyo niya ang Calibrated Quarantine Operations Martes ng hapon.
#LetsFightCOVID19
No comments:
Post a Comment