Ang mga pagkain na binabansagang “mataas sa uric acid” ay ang mga pagkain na mataas sa “purine” o purine-rich foods.
Ang purine ay isang compound na bahagi sa mga “amino acids” na bumubuo ng mga protina sa katawan.
MGA PAGKAIN NA NAGPAPATAAS NG URIC ACID
● Mga lamang-loob sa karne gaya ng atay, lapay, atbp.
● Iba pang bahagi ng karneng pula (red meat): baboy, baka, etc.
● Mga isdang galing sa dagat (saltwater fish)
Sardinas, bagoong at alamang
● Kabute o mushroom
● Sitaw, bataw, patani (mga beans)
● Beer at alak
● Tinapay
● Tingnan ang listahan na nasa image.
Ang magandang balita ay ang ating paboritong kanin o “plain rice” ay hindi mataas sa purines.
Kung makikita nyo sa ating listahan, kapag ang isang tao ay nakipag-inuman, may alak at beer, may pulutan na maaaring karne, isdang dagat, at tinapay, at iba pa: naghahalo ang mga pagkaing nagpapataas ng uric acid at mas lumalaki ang probabilidad na magdulot ito ng problema sa inyong katawan.
ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG MATAAS ANG URIC ACID?
● Kumain ng maraming prutas at gulay
● Maghinay-hinay sa karne
● Iwas sa pagkaing matataba
● Iwas sa beer at alak
● Uminom ng maraming tubig ( higit 8 baso kada araw)
PAANO MALALAMAN KUNG MATAAS BA ANG “URIC ACID”?
Ang uric acid ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng isang blood test. Kumukuha ng dugo mula sa braso at ito’y sinusuri sa laboratoryo.
Ang normal na antas ng uric acid ay:
Sa mga lalaki: 3.4-7.0 mg/dL (0.2 hanggang 0.41 mmol/L)
Sa mga babae: 2.4-6.0 mg/dL (0.14 hanggang 0.35 mmol/L)
No comments:
Post a Comment