Personal View
Sagutin ko lang itong tanong na, “Bakit ang bagal ng ayuda ng gobyerno?”
Kaibigan isipin na lang na ganito... pag umutang ka sa bangko matagal po proseso pero pag sa bombay mabilis.
Syempre po madaming kailangan pirmahan kasi 200B po yun hindi po 200K. At yung mga listahan ng dapat bigyan may verification din po. Although sabog talaga listahan ng DSWD, asahan na babase sa listahan ng mga barangay yan. Another verification na naman yun. Knowing mga pinoy (pasensya na po ha) maski patay na kokolektahin pa rin yan. Maski may kaya naman sa buhay hihirit din, sarap kasi maka-libre at walang pinag iba sa ibang mayaman na gusto rin makaisa. Tandaan, para po sa poorest of the poor lang ang amelioration funds (pangtawid). Yung iba naman may 4P’s at pensyon ay hindi kasali dahil may nakukuha na pero paniguro hihirit pa din. Kaya verification na naman. Kaya lalong tumatagal. (REAL TALK LANG PO.)
Konting tyaga po. Wag po magalit sa gobyerno. Kayo na nga po tutulungan demanding pa. Kung tutuusin iba nga sa inyo wala pang covid-19 eh wala na makain dahil tamad. (Excuse me po) Syempre po hindi lahat. Sinisisi gobyerno o si Presidente Duterte sa kahirapan, bakit noong panahon ba ni Presidente Aquino mayaman ka? Daming anak at mukhang madadagdagan pa ngayong quarantine. Ginawang pass time ang jerjer. (Pasensya na po nagsasabi lang ng totoo.)
Pero syempre hindi sa lahat yan. May iba masipag naman hindi lang pinalad.
Kaya wait lang at darating din yan.
Sa reklamador na paano na kaming middle class o taxpayer? Unawain po na ang kaya lang bigyan ng tulong yung poorest of the poor. Di talaga kaya ng gobyerno ano gagawin natin?
Naaawa ako kay pangulo. Parang isang tatay na ginagawa na lahat ng makakaya para sa anak pero panay pa rin kiaw-kiaw. Maski meron sa inyo na ayaw sa tatay niyo, tatay niyo pa rin siya na nagmamahal at may malasakit sa inyo (bayan).
Wag sana kayo magalit sa akin.
Masakit po minsan ang totoo.
Pasensya na po.
No comments:
Post a Comment