Wednesday, November 19, 2025

3 papatay sa negosyo mo.

 3 bagay na papatay sa negosyo mo


Hindi madalas biglaan ang pagbagsak ng negosyo.

Tahimik lang itong namamatay habang iniisip mong “okay pa naman.”


Hanggang sa isang araw,

wala ka nang benta,

wala nang gana ang mga tao,

at ikaw mismo, napagod na rin.


Ang masakit?


Hindi dahil mahina ang produkto mo.

Hindi dahil panget ang ekonomiya.

Hindi dahil kurakot ang gobyerno.


Kundi dahil may mga ugaling unti-unting sumisira sa loob.


Ito ang 3 bagay na papatay sa negosyo mo.


#1: Tolerating mediocrity.

Yung “okay lang” mindset.

“Pwede na yan.”

“Bukas ko na aayusin.”


Akala mo maliit lang na pagkukulang.


Pero araw-araw na pagtiis sa mediocrity,

unti-unti nang binubura ang standards ng negosyo mo.


At pag nasanay ang tao sa “pwede na,”

wala nang gustong mag-excel.


Practical solution:

✅ Itaas mo ulit ang standards.

✅ I-correct agad kahit simpleng mali.

✅ Turuan mo ang team mo na excellence ang minimum, hindi extra effort.


#2: Empleyado na hindi mo mapagsabihan.

Ito yung mga marurunong pero mayabang.

Magaling nga, pero kapag pinagsabihan mo, nagtatampo o nagmamatigas.


At dahil ayaw mong mawala,

tinitiis mo na lang.


Pero tandaan mo,

ang isang taong walang respeto sa sistema,

kayang sirain ang buong kultura ng negosyo mo.


Ako mismo naranasan ko ‘yan.

Akala ko loyalty lang ang sukatan ng valuable employee.


Pero natutunan kong minsan,

ang tunay na loyalty ay ‘yung marunong sumunod para sa ikabubuti ng lahat.


Practical solution:

✅ Kapag may maling attitude, ayusin agad habang maiksi pa ang sungay.

✅ Pahalagahan mo ang values kaysa galing.

✅ Mas mabuting kulang sa skill kaysa sobra sa pride.


#3: Kawalan ng disiplina ng leader.

Maraming negosyante ang istrikto sa iba, pero luwag sa sarili.


Late pumasok, walang schedule, walang system.

Tapos magtataka kung bakit tamad ang team.


Hindi susunod ang tao sa sinasabi mo,

susunod sila sa nakikita nila.


Kaya kung gusto mong seryosohin ka ng team mo,

magsimula sa sarili.


Practical solution:

✅ Magkaroon ng daily routine.

✅ Ipakita mo sa team mo na ikaw ang unang tumutupad sa standards.

✅ Consistency builds authority.


Ako mismo dumaan diyan.


Akala ko dati, sapat na ang vision.

Pero walang silbi ang vision kung walang disiplina para tuparin ‘yon.


Paalala ko lang:

✅ Ang negosyo, hindi namamatay sa mahina ang benta, kundi sa mahina ang leadership.

✅ Ang culture ng negosyo mo, reflection ng ugali mo.

✅ Ang disiplina, hindi lang para sa team. Una ‘yan para sa leader.


Kapag matino ang leader,

nagiging matino rin ang sistema at mga tao.


‘Yan ang negosyo na hindi basta bumabagsak.


#edcelflores #EDTF

No comments: