Nakaiyak, nakakagalit, at nakakahiya. Ganito pala kababa ang tingin nila sa atin, na kahit alam nila ang baho, ilalako pa rin nila sa atin na parang wala tayong utak. Ilang taon nang bulong-bulungan ang sinasabing pagkalulong daw ni Bongbong sa droga, tapos ngayon lang pinakawalan ni Imee ang pasabog na matagal na pala niyang alam. Hindi noong kampanya, hindi noong kailangan nating malaman, hindi noong may chance pa tayong umiwas sa kapahamakan. Pinabulaanan nila, tinago nila, at pagkatapos ng eleksyon saka biglang aaminin na matagal na itong issue. Parang nanay na pinabayaan kang sumakay sa kotse ng lasing tapos sasabihin pagkatapos bumangga, ay oo, lasing nga yan kahapon pa.
At pagkatapos ng lahat ng ninakaw at lahat ng yaman na nasa kanila na — bulakbol pa rin ang ginawa. Lahat na ng advantage, lahat na ng resources, lahat na ng koneksyon, pero ang kinalabasan ay isang presidente na hindi prepared, hindi present, at hindi kayang magtrabaho. Sa dami ng pera nilang pinaghirapan ng bayan, hindi man lang nila kayang buuin ang isang matinong lider. Talagang nakakabaliw.
Pero ito ang mas nakakainis. Kung alam mo pala, Imee, bakit mo sinuportahan? Bakit mo ipinasa sa bayan ang problemang ayaw mo ngang i-handle sa sarili mong pamilya? Parang kapitbahay na alam nang may rabies ang aso pero pinakawalan pa rin sa kalsada para kagatin ang buong barangay. At mas masakit, kakampi mo pa si Sara. Dalawang babaeng may alam, dalawang babaeng may kapangyarihan, dalawang babaeng mas pinili ang interes nila kaysa kaligtasan ng taong bayan.
At huwag natin kalimutan si Sara Duterte. Ang kapal din ng mukha. Isa ring punong-puno ng kwestyonableng paggastos, confidential funds, overpriced rent, at mga anomalyang ayaw niyang sagutin. Korap din naman — pero ngayon biglang nagmamalinis dahil nagka-onsehan sila. Pareho silang nanahimik noong kampanya, pareho silang nag-benefit, pareho silang sumakay sa makina ng kasinungalingan. Ngayon lang sila nag-aastang concern dahil may away sa loob. Hindi moral compass ang gumana, kundi political convenience.
Pinahamak ninyo ang bansa nang buong-buo. Sadyang pinahamak.
At kung ang eleksyon sana ay totoong job interview, kahit janitor position hindi papasa si Bongbong. High school lang ang natapos, habang may isa pang kandidato na may post-grad degree. Siya ay galing sa political dynasty, yung isa hindi. Siya ang may multiple corruption allegations, yung isa wala. Siya ang hindi nagbabayad ng buwis nang maayos, yung isa responsible taxpayer. Siya ang hindi kayang sumagot ng mahihirap na tanong, yung isa kayang-kaya. Siya ang lumaki sa mundo ng elite, habang yung isa ay middle class na nagsikap. Siya, kung hindi nagpolitika, ay wala talagang trabaho — yung isa ay abogado. Sabihin mo nga sa akin, saang kumpanya ka nakakita ng ganyang resume tapos iha-hire bilang CEO?
Sa totoong buhay, kahit mag-apply siya bilang promo merchandiser, hindi papasa yan sa screening. Sa Pilipinas, naging presidente. At dito mo makikita kung gaano kalala ang problema. Hindi lang siya ang hindi qualified. Ang mas malala, hindi marunong pumili ang malaking bahagi ng botante. Mas inuuna ang apelyido kaysa abilidad. Mas mahalaga ang nostalgia kaysa katinuan. Mas gusto ang artista kaysa matino. Mas pinapaniwalaan ang TikTok kaysa track record. Mas madaling gutumin at pa-cute-in ang tao kaysa turuan ng basic critical thinking.
Kaya paulit-ulit tayong nalulunod. Dekada-dekada tayong nasa cycle ng parehong pamilya, parehong dynastiya, parehong magnanakaw, parehong siga, parehong sinungaling. Habang nag-aaway sila ngayon kunwari kadiliman versus kasamaan, tayo ang talo. Kasi ito ang hindi maintindihan ng mga fanatic. Nagkaisahan na nila tayo. Matagal na. Si Sara na nagpapanalo kay Bongbong. Si Imee na nag-silent mode kahit alam ang totoo. Mga magkakamping magnanakaw na nagka-onsehan lang, pero pareho naman ang ugat. Kapangyarihan. Pera. Kontrol. Hindi bayan.
At ngayon, nagtatanong tayo kung bakit ganito ang Pilipinas. Simple lang. Mali ang job hire. Nag-hire tayo ng incompetent. Nag-hire tayo ng absent. Nag-hire tayo ng delinquent. Nag-hire tayo ng taong hindi kayang i-manage ang sarili, tapos ipinagkatiwala natin sa kanya ang buong bansa.
Ito ang katotohanan. Hindi lang sila ang nanloko. Tayo rin ang nagpauto. Hindi lang sila ang puminsala. Tayo rin ang pumirma. Hindi lang sila ang may sala. Tayo rin ang hindi natuto.
Kaya nakakalungkot. Kasi ang tunay na problema ay hindi lang droga, hindi lang corruption, hindi lang dynasty. Ang tunay na problema ay bansang hindi marunong pumili, kahit nasa harap na ang resume, kahit kitang-kita ang pagkakaiba, kahit daan-daang red flags na parang nakatakip na sa buong Pilipinas.
At kung hindi tayo matuto ngayon? Hindi pa ito ang pinakamasakit. #fblifestyle #PBBM #LeniRobredo


No comments:
Post a Comment