Wednesday, November 19, 2025

Salamat sa exam.

 𝗧𝗜𝗣𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗫𝗔𝗠


✍️ DURING EXAM

 

1. PRAY. Never niyong kalimutan talaga magdasal. 

 

2. Gumising ng maaga. Nag exercise din ako nun. Tamang stretching din hahahaha para ma generate yung brain haha kumain din dapat ng agahan.


3. Nagsuot ako ng damit kung san kumportable ako at syempre pinakiramdam ko yung sarili ko kung naiihi ba ako o natatae hahahaha


4. Habang papunta ako sa school kung san ako mag eexam kumakain ako ng chocolate hahaha. Sabi kasi sa isang article na nabasa ko eepekto ang chocolate after an hour matapos mo ito kainin haha during exam di ko na nagalaw yung chocolate ko kasi busy na sa pagsagot


5. Nung nahanap ko na room ko, hinanap ko muna yung CR. Just in case lang naman. Tas naglakad lakad narin coz accdng to studies po magiging active yung brain after a 20 minutes walk :) 


6. Mag PRAY din bago magsimula yung exam.  Ask for guidance na sana madali mong magets yung problem.


7. Pag malapit na mag start e RELAX niyo sarili niyo. Isipin niyo na yakang yaka lang to. Nagawa nga ng iba, ako pa ba? :) Unahin nyo kung san satingin nyo nadadalian kayo. Like for me inuna ko talaga yung math nun kasi pag open ko sa booklet ang hahaba nung sa English eh time consuming kaya nilaktawan ko muna.


8. Pag nahihirapan kayo sa isang problem, laktawan nyo na agad. Go to next problem.


9. Tinatranslate ko sa tagalog yung ilang problem para mas magets ko agad. Mabilisang pag babasa tas mabilisang pag translate lalo na sa math at mabilisang pag analyse ginagawa ko. Kaya importante din talaga na sanayin niyo sarili niyo sa pagbabasa at pag analyse ng mabilisan.


10. WAG NA UMINOM NG TUBIG HABANG NAG EEXAM para di kayo maihi. Kabawasan kasi sa oras pag pupunta pa kayo ng CR. Tandaan na ang bawat oras ay importante sa exam kaya wag sayangin.


11. Habang nag eexam ako, iniisip ko talaga na anjan lang si God sa tabi ko at ginagabayan ako kaya naging kampante lang ako. Dapat din na relax lang kayo para makapag isip ng maayos.


12. Dumating din sa point na di ko talaga alam yung sagot , marami din akong hinulaan kasi nga time consuming talaga lalo na yung reading compre, ang ginawa ko nag pray lang ako na sana tama din yung mahuhulaan ko. Hehehe 


13. Yung mga hinulaan ko, either B or C sagot ko. B for BONUS at C for Christ hahaha yun kasi ang payo ng prof ko nun noong college pa ako. Hahaha pero kung may gut feel kayo na yung letter na yun ang tama then sundin niyo  


14. Sa room nga namin ako pa yung pinakahuli sa mga nag pass hahaha sinulit ko talaga yung oras kahit na yung iba maagang nagpass. Di ako nagpapressure sa kanila haha di naman sila makakalabas eh pag di natapos ang oras so bhala sila hahahaha mas maganda rin kung may relo kayo para ma monitor ang oras.


15. MAG DONATE NG BALLPEN. Hahahaha


16. Magpasalamat sa Diyos for the opportunity na makapagtake 


17. Wag masyadong isipin yung exam. Chill lang dapat habang naghihintay ng result. Di rin naman talaga maiiwasan na kabahan but ipasa Diyos mo nlng ang lahat  


Sa awa ng Diyos nakapasa ako last CSE exam  Una ko talagang ginawa is nagpasalamat sa Diyos. Sobrang saya ko nun di panga ako makapaniwala. Minsan na rin akong nawalan ng pag-asa kasi sobrang sakit naman talaga pag bumagsak ka but sa tulong na rin ng mga taong malalapit sakin na nag eencourage na wag sumuko sumubok ulit ako.


  May nakapagsabi sakin na “The more you fail, the more you will learn”yan din daw ang advantage ng mga nakaranas ng bumagsak kasi mas marami tayong matutunan. Kaya sa mga di pinalad ngayon, wag kayong sumuko. In God’s perfect time makakapasa rin kayo  Isipin nyo nlang na may magandang plano ang Diyos para sa atin  <3


Good luck po sa mag eexam. God bless po 😇

No comments: