Habang pilit na kunwaring nakakaawa ang mga Discaya sa usapan, gumagawa ng ingay, at nagpapanggap na “cooperating witnesses,” isang simpleng katotohanan ang gusto nilang takasan:
Hindi sila inosente. Hindi sila whistleblowers. At lalong hindi sila state witness material.
Sila mismo ang nasa pinakasentro ng bilyon-bilyong flood control scam, at ngayon habang umiinit ang imbestigasyon pilit nilang pinapasa ang sisi, pinipili ang mga pangalan na isasabit, at tinatago ang mga koneksyong ayaw nilang mabunyag.
FACTS, NOT FEELS:
#1: “Most Guilty” Sila.
Sila ang Contractor, Sila ang Kumita, Sila ang Nagpakasasa sa Pondo
Hindi ito opinion, ito ang basic rule sa corruption cases: Kung ikaw ang contractor na kumukuha ng project, sumusubo ng budget, at kumikita ng bilyones sa mga anomalya, you are among the MOST GUILTY.
• Sila ang kumuha ng flood control projects “at any cost.”
• Sila ang sumalo ng pera.
• Sila ang nag-deliver ng ghost, substandard, o overpriced projects.
• Sila ang naging top billion-peso contractor.
Kaya malinaw: paano sila magiging state witness, kung sila ang primary suspects?
Ang state witness ay yung “least guilty,” hindi yung prime beneficiaries ng anomalya.
#2: The Ledger Lies
Matagal Nang Pinapakuha, Kelan Lang Nagsumite
Ito ang pinaka–red flag:
• For months, hinihingan sila ng ledger.
• Pero nung lumalalim ang imbestigasyonsaka lang sila naglabas.
At ngayon, gusto nilang paniwalain ang publiko na iyon daw ang “totoong ledger.”
Pero simple lang ang tanong:
Kung tunay ang ledger, bakit ngayon lang?
In investigative practice, mahina ang ebidensyang matagal itinago at biglang lumabas sa gitna ng pressure.
At higit sa lahat:
Hindi pa authenticated ang ledger.
Madaling gumawa ng listahan. Madaling magdagdag. Madaling magtanggal.
At madaling gamitin ito para isabit ang mga gusto mong isabit at protektahan ang mga ayaw mong banggitin.
Yan ang punto.
**#3: Bakit Wala Silang Binabanggit sa Duterte Officials?
Eh Doon Sila Yumaman.
Ito ang malaking tanong na hindi nila masagot: Paano sila naging billionaire contractors during the Duterte Administrationpero wala silang binabanggit kahit isang top DPWH official sa panahon na iyon? Bakit puro kongresista o anti-Duterte personalities ang gusto nilang isabit?
• It was during Duterte’s term that flood control budgets exploded.
• It was during that time na naging top 1 contractor ang Discaya companies.
• It was during that period na naging multi-billion empire ang negosyo nila.
Pero hanggang ngayon:
Zero mention sila tungkol sa mga opisyal na nagbigay sa kanila ng bilyones na proyekto.
Hindi ba’t napaka-illogical?
O sadyang selective ang honesty kapag may gusto kang protektahan?
#4: The Connections They Avoid: Villar, Go, Marcoleta
A) MARK VILLAR: DPWH Secretary noong namayagpag ang Flood Control Projects
Hindi kailangan mag-imbento.
During Villar’s DPWH tenure, lumobo ang budget at naghari ang Discaya companies.
Imposibleng:
• naging top contractor ka,
• bilyones ang hawak mo,
• taon-taon kang nabibigyan ng projecttapos wala kang connection sa sitting DPWH Secretary.
Logical. Basic. Common sense.
Pero bakit ayaw nila banggitin si Villar?
Bakit parang off-limits ang pangalan?
B) CLTG: Joint Venture ng Discayas, “Christopher Lawrence Tesoro Go" (CLTG)
Ito ang facts:
• Ang Discaya group ay nag-joint venture sa CLTG.
• Ang initials ng CLTG ay literally Christopher Lawrence Tesoro Go.
• Ito ang full name ni Bong Go.
Hindi ito speculation, documented partner nila.
Pero bakit pagdating sa pagsasalita,
biglang nananahimik ang Discayas tungkol sa Bong Go connection? Kung willing silang mambanggit ng ibang politiko,
bakit biglang naglalaho ang tapang kapag allies of Duterte ang pinag-uusapan?
Again selective honesty.
C) MARCOLETA: Bakit Parang Bodyguard ng Discayas sa Hearings?
nakita ng buong taumbayan:
• Sa hearings, sobra-sobra ang pagtatanggol ni Marcoleta.
• Lahat ng tanong sa Discayas, pinapahina niya.
• Lahat ng anggulong hindi pabor sa Discayas, binabara niya.
• Halos siya pa ang nagsasalita para sa kanila.
Tanong ng marami:
Bakit ganoon ka-invested si Marcoleta sa iisang contractor family? Kung totoong gusto natin ng katotohanan, bakit parang ayaw niyang makasuhan ang mga Discaya?
Hindi ba’t mas lalong nakakapagduda?
THE HARD TRUTH:
The Discayas are NOT whistleblowers.
They are NOT state witness material.
They are NOT victims.
They are:
✔️ Among the most guilty beneficiaries of the scam
✔️ Billionaires during Duterte’s flood control era
✔️ Silent about Villar (DPWH), silent about Go (CLTG), silent about Duterte allies
✔️ Protected in public hearings (Marcoleta)
✔️ Submitting ledgers too late, too convenient, too suspicious
✔️ Practicing selective disclosure to frame some and protect others
And the biggest red flag: Their narrative is designed to damage current officials,
while shielding those who empowered and enriched them during the Duterte administration.
Huwag tayong magpaloko.
Huwag tayong pumayag na ang pinaka-guilty ang magdikta ng kwento.
The Discayas were never seeking truththey were only seeking protection.
Sources:
1. Discayas can't be state witnesses, says assistant ombudsman https://share.google/EHKdXgac4zDybidb2
2. Do the Discayas qualify as state witnesses? https://share.google/KFHIkSuc8GoveQKYZ
3. Senators press Discaya couple: Where is alleged payoff ledger? | ABS-CBN News https://share.google/UhZzrV623eCK6EIbR
4. Kiko demands release of Discayas’ alleged payoff ledger - Iloilo Metropolitan Times https://share.google/BimdC7tBXtOLIQmKI
5. Mahiya naman kayo! Vico Sotto tags Discaya family as owner of 2 of top 15 flood control contractors in PH https://share.google/VAWW8JIQLB2cpPv2E
6. Top 10 contractors under DU30 run record of fraud, delays, blacklisting - PCIJ.org https://share.google/yNhgNtnK5RnezZSEF
7. Discaya grilled over exponential growth of nine firms https://share.google/zGiV4FbFC2kJSg1J4
8. Biyaya ni Poong Duterte https://www.facebook.com/share/p/1BswdpbXWe/
9. All the Presidents' Contractors: For 20 years, MalacaƱang has been unable or unwilling to stop corruption in public works - PCIJ.org https://share.google/aFQys0dn5GZEf7Dzt
10. Villar under investigation https://www.facebook.com/share/r/196ZrQ4nWs/
11. Mark Villar, Bonoan, Cabral operated kickback system in DPWH – witness https://share.google/dFpLyzeN5jTgWrFJa
12. Dizon: Ombudsman, DPWH checking alleged Discaya, CLTG links https://share.google/R94Hopl5BR7z8iEcL
13. Discayas refused to disclose ties with CLTG Builders —Ombudsman Remulla | GMA News Online https://share.google/rXp8ViQG63pzAPCZ5
14. 'I'm going to confront the secretary of justice': Marcoleta says Discayas need not return money to become state witnesses | ABS-CBN News https://share.google/3wJKLAwNR6Ie7MBHh
15. Sotto rejects Marcoleta bid to put Discayas in WPP https://share.google/c8Ms6diez1cMFGcU6
No comments:
Post a Comment