LESSON NO. 9 TIPS SA PAGTATANIM NG KALAMANSI SA CONTAINER.
Sa mga container na may 16 liters capacity lang ako nagtatanim ng kalamansi. At kapag nasa container na, dito na mag-uumpisa ang pag-aalaga at pagbibigay ng sapat na nutrisyon at iba pang pangangailangan ng kalamansi.
LIGHT REQUIREMENT:
Ang kalamansi ay nangangailangan ng 6-8 oras na direktang sikat ng araw. Kaya siguraduhin na makakasagap ng sapat na dami ng sikat nga araw ang kalamansi kung saan mo siya ilalagay.
WATER REQUIREMENT:
Regular na magdilig ng tubig o huwag hayaang sobrang matuyo ang lupa. Kapag paulit-ulit na nangyayari ito, mapapansin mo na lumiliit ang mga bunga habang tumatagal. Ngunit huwag naman na laging basa ang lupa, ang sobramg pagbibigay ng tubig ay maaaaring ikahina ng mga ugat at ang mga maliliit na ugat ay mabulok.
NUTRIENT REQUIREMENT:
Kung ang kalamansi ay nabili mo na marcotted, ibig sabihin ay wala na siya sa vegetative stage dahil namumunga na siya.
Magdilig ng pinagsamang FPJ at FFJ, isang beses sa isang linggo. Hindi na kailangang paghiwalayin pa ang dalawang concoctions, maghalo ng 10ml na FPJ at 10ml ng FFJ sa isang litrong tubig. Idilig sa kalamansi sa umagang-umaga o bago lumubog ang araw.
Bukod diyan ay magdilig ng Epsom salt, 2 beses sa 1 buwan o kada 15 araw. Ito ay upang mas lalong palakasin ang bisa ng FPJ at FFJ.
Maghalo ng 1 kutsaritang Epsom salt sa 1 litrong tubig at idilig sa kalamansi.
PRUNING:
Regular na tanggalin ang mga parte ng kalamansi na sa tingin mo ay wala namang pakinabang, kagaya ng mga tuyong sanga at mga tuyong dahon.
kapag umabot na ng isang taon ang kalamansi sa container, magbawas ng ugat. Tanggalin ang puno at tapyasan paikot ang lupa at saka ibalik, punuin muli ng lupa.
SUCKERS:
Kapag may lumabas na suckers o ito ung sanga na pakuwadrado at hindi bilog, tanggalin agad dahil kinukuha nito ang tubig at sustansiya ng lupa na wala namang pakinabang.
Iwasang may mahinog na bunga sa puno. Kapag nangyari ito, unti-unting dadalang ang bunga.
PEST CONTROL:
Karaniwang inaatake ng tipaklong at higad ang mga dahon ng kalamansi. Gumawa ng oregano pesticide para sa mga higad at lantana pesticide para sa tipaklong. Ang dalawang ito ay nasa reels section ang video paano ginagawa.
No comments:
Post a Comment