🔴 RED LINE - Kidney function
🔵 BLUE LINE - Protein sa ihi
🚨Year 0-5: Normal pa ang creatinine at napakataas pa ng kidney function. Lumalaki ang kidneys.
🚨Year 5-15: Lumilitaw na ang protein sa ihi. Okay pa rin ang kidney function pero mas matindi na ang trabaho ng kidneys para lang mapanatili ang normal EGFR. Take note na may damage na ang kidneys sa puntong ito at meron nang CKD.
🚨Year 15-25: Dito pa lang nagsisimula ang pagbagsak ng kidney function at tumataas ang creatinine. Mas maraming protein na ang nakikita sa ihi at mas lalong nasisira ang kidneys. Nagkakapeklat na rin ang kidneys. Marami sa mga pasyente ay dito lang nakakapagpatingin sa kidney doctor.
🚨Year 25+: Tuluyan nang pumalya ang kidneys, malawakang damage at peklat na ang natamo nito. Maaaring dito na magsimula magdialysis
Kayang mapigilan or mapabagal ang pagkasira ng kidneys sa diabetes with proper diet, exercise at medications. Kung mas maaga simulan ang mga ito, mas mababa ang chance na pumalya ang kidneys in the future!

No comments:
Post a Comment