Sunday, November 30, 2025

Ng dahil sa lumang brief

NA TURN-OFF AKO SA BUTAS BUTAS NA BRIEF NG BF KO NA NAKASAMPAY SA BAKOD NILA. DAHIL DUN NAKIPAG BREAK AKO.

Isang araw inaya ako ng BF ko sa bahay nila, kabado siya, halatang gusto niyang mag-iwan ng magandang impression. Ako rin naman excited, pero may kaba. 

Gusto kong makapunta sa kanila at mas makilala pa siya at ang family niya, malaman kung paanong klaseng tahanan ang pinanggagalingan niya. Kasi para sa akin, mahalaga iyon. Hindi ako naghahanap ng mayaman, pero gusto ko ng lalaking may direksyon may kakayahang maging provider balang araw.

Pagdating namin, sinalubong ako ng nanay niya, mabait naman. Tahimik lang ang tatay. Simple ang bahay, medyo luma pero maayos. At sa totoo lang, ayos lang sa akin iyon. Hindi ako maarte.

Pero habang naglalakad kami papasok, may isang bagay na agad tumusok sa mata ko.

Sa gilid ng bahay, sa may sampayan nakasabit ang mga brief niya. Hindi lang basta lumang brief. Butas-butas. Manipis. Lawlaw na garter Isa, dalawang piraso… tatlo. Lahat mukhang ilang ulan at tag-init na ang dinaanan.

At yung isa mukhang bacon na sobrang tigas tignan. Meron pang parang tinalian na lang ng guma yung magkabilang gilid.

Napatigil ako.

Ramdam ko ang init ng pisngi ko, hindi dahil sa hiya kundi dahil sa biglaang pagkalusaw ng attraction ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Alam kong mababaw pakinggan. Brief lang, ‘di ba? Pero para sa akin, hindi iyon basta tela. Simbolo iyon kung paano niya inaalagaan ang sarili niya. Kung paano niya inuuna ang sarili niyang pangangailangan. Kung paano siya magpapakita ng responsibilidad.

Kung hindi siya makabili ng maayos na brief para sa sarili niya... Paano niya bubuuin ang pangarap naming dalawa? Paano siya magiging haligi kung mismong sarili niyang pangangailangan hindi niya maasikaso?

Habang nakatingin ako doon, bigla kong naramdaman na parang lumiliit ang mundo namin. Parang biglang nilagyan ng spotlight ang parte ng relasyon naming hindi ko pa hinaharap yung katotohanang hindi kami tugma sa pangarap ko sa buhay.

“Uy, babe? Tara na?” tawag niya, nakangiti.

Ngumiti ako pabalik, pero mahina. 

“Oo… tara.”

Kinagabihan, doon ko siya kinausap. Maayos, kalmado, pero diretso.

Hindi ko sinabi ang tungkol sa brief hindi ko kayang sabihin iyon. Hindi ko gustong sirain ang dignidad niya. Pero sinabi ko na napagtanto kong hindi kami pareho ng direksyon. Hindi pareho ng priorities. 

Na may hinahanap ako sa partner na hindi ko nakikita sa kanya.

Tahimik lang siya. Kita ko sa mata niyang nasasaktan.

At habang naglalakad ako pauwi, naramdaman kong mabigat ang dibdib ko. Hindi ko siya iniwan dahil hindi ko siya mahal minahal ko siya. 

Pero minsan, sapat na ang isang maliit, pangkaraniwang bagay para makita mo ang malaking bitak sa kinabukasang pinaplano mo.

Habang lumalayo ako sa bahay nila, napatingin ulit ako sa sampayan. Sa mga lumang brief na kumakampay sa hangin.

No comments: