Friday, November 28, 2025

Abswelto.

ITO ANG PANANAW KO SA DESISYON NG COMELEC NA ITO TUNGKOL KAY SEN CHIZ ESCUDERO. 🤔

Legally, tama ang Comelec sa desisyon nila dito. 🤔

Maliwanag naman kasi ang ating batas, na ang isang korporasyon ay tinatrato bilang isang separate juridical entity, na hiwalay sa mga taong nagmamay ari nito. 🤔

Sa madaling salita, tinatratong parang tao rin ang isang korporasyon, at hiwalay ang pagkatao nito sa mga taong nagmamay ari nito. 🤔

Kaya nga karaniwang pinapayo naming mga abugado, na kapag magnenegosyo kayo, gawin ninyong isang korporasyon ito. 🤔

Para kung sakaling malugi man ang korporasyon ninyo, at habulin ito ng mga pinagkakautangan nito, hindi madadamay ang mga personal na ari arian ninyo, dahil hiwalay nga ang pagkatao ninyo. 🤔

Ngunit ethically, dapat baguhin na ang batas ng Comelec tungkol dito. 🤔

Sa ngayon kasi, ang mga tao o korporasyon lang na direktang nangongontrata sa gobyerno, o nagsusupply ng manpower dito, ang ipinagbabawal ng batas na magdonate sa kampanya ng mga kandidato dito. 🤔

Ngunit dapat, kung ang isang korporasyon ay nakikinabang sa pondo ng gobyerno, dapat pagbawalan narin magdonate ang mga taong shareholders o nagmamay ari nito. 🤔

Dahil sila rin naman talaga ang totoong nakikinabang sa mga pangongontratang ito, sa pamamagitan ng kanilang mga dibidendo. 🤔

Otherwise, laging makakalusot ang mga nagdodonate sa mga kandidato, dahil lang sa teknikalidad na ito. 🤔

#attyg 
#comelec
#campaigndonation
#chizescudero
#photocreditottherightfulowner

No comments: