Saturday, November 22, 2025

Buti pa ang Cainta.

Ilang taon din tayong nakikiusap.. personal pa nga minsan…sa red cross, at sa ibang malalaking ospital na merong ganitong pasilidad..

Tas naisip natin… magtayo kaya tayo ng sarili natin.. 

Sa unang salta, hinarap natin… Mahal magtayo ng blood bank.. at ang daming requirements..parang malabong mangyari..

pero sa kada maalala ko kung pano mataranta at maiyak ang mga pasyente o mga kamag anak nila pag punta sa akin…. para maghagilap ng dugo… at kung ilang buhay na rin ang nawala …dahil bigo tayong makakuha kahit may pera tayong pambayad… ginawa ko siyang prioridad.. 

Mula Hulyo ngayong taon hanggang kahapon, mahigit tatlong daang pasyente na ang nabigyan natin ng mga bag ng dugo… 92 porsyento sa kanila, taga Cainta…

Sa pag ikot ng panahon, nagbabago ang lahat… nung nakaraang linggo, yung isang pasyente natin na nasa Amang Rodriguez, pumunta sa ospital natin… para humingi at kumuha ng dugo…

Mahigpit na tagubilin: wag maniningil sa pasyente para sa dugong ibibigay sa kanila..

Salamat Dr. Sierra at sa bumubuo ng One Cainta Blood Bank… sa tulong niyo, nangyari ito… sa mga blood donors na pinagkukunan natin ng source, salamat din…madugo man ang programa, mas importante ang buhay…

Larga pa Tayo, Cainta..❤️

No comments: