Saturday, November 29, 2025

Sa totoo lang.

 SKL
Hindi po ako nagmomowdel
Wala akong k!
Yun lang
may nagbulong sa akin
May nagdeliver daw sa parking dyan.

Naalala ko tuloy
Nung nagresign ako sa Coa nung 2005, nagwork ako sa AusAID, World Bank at ADB, nangarap akong mag-iba ng buhay.
Kumuha ako ng unit sa Serendra
Hulugan.

Kaso, dumating ang 2011
Na appoint ako as Commissioner
Yung sahod ko
Kulang pa sa monthly amortization.
Mabigat ang loob,
ginive up ko yung unit ko.

Dahil ayaw kong matukso
Sa paghahanap kung saan ko kukunin
yung kulang na pambayad!

Ang naiwan sa akin, yung key chain!
😭
Hindi naman ako pinabayaan ni Lord,
Nung nasa UN, nakatira ako sa Waterside Plaza, besides East river
walking distance sa UN HQ. Gulat ang lahat pag sinabing sa Manhattan nakatira ang isang pinoy!

Ni minsan hindi ko pinangarap ito.

Madalas ko ngang ikwento sa anak ko, nung UN auditor pa ang Coa, kaming mga auditors, nagsisiksikan sa inuupahang isang room na apartment, isa lang ang bed, anim kami, halinhinan pag-higa. Tutal, pag UN auditor ka ng Coa, walang tulugan lalo na kung malapit ng matapos ang engagement at wala pang AOM ( Audit Ovbservation Memorandum) Coa-UN Fall Audit 1999

Ambagan lahat, 20 dolyar, araw-araw, take turns sa pag-luluto at paghuhugas ng plato. Hindi pwedeng walang sinaing, hindi tatakbo ang brain, kaya pati rice cooker, baon, kasama ng lahat ng mga knor cubes at ang hindi pwedeng maiwan, yung bagoong!

27 years sa Coa at halos 4 years sa UN, nasa town house pa rin ako.

Hindi ito pagmamagaling, tingin ko lang kailangang i share. Sa tindi ng kurakutan, baka makalimutan ng Bayan na pwede pa rin ang simpleng buhay!

Happy Wednesday sa lahat!

No comments: