Saturday, November 22, 2025

Speech 2025

I just read the commencement speech of Justice Antonio Carpio to the 2025 Graduates of the Class of 2025 of De La Salle University and malinaw na malinaw yung pinakamalaking maling akala sa kasaysayan natin tungkol sa teritoryo ng Pilipinas.
• Pinakamalaking maling akala sa kasaysayan: Akala ng marami na ang teritoryo ng Pilipinas ay limitado lang sa loob ng guhit ng 1898 Treaty of Paris.
• Mali ito ayon sa batas, kasaysayan, at mapa. Dahil dito lumakas ang loob ng China na angkinin ang Spratlys at Scarborough Shoal.
• May ilang kilalang Pinoy lawyers at public figures (Mendoza, Bernas, Enrile) na nagsabing nasa labas ng Treaty of Paris ang Spratlys at Scarborough kaya hindi raw atin.
• Ginamit ito ng China bilang propaganda at basehan para sabihing hindi sakop ng Pilipinas ang mga isla sa West Philippine Sea.
• Pero malinaw sa 1935 Constitution: Teritoryo ng Pilipinas ay naka-base sa tatlong treaties: 1898 Treaty of Paris, 1900 Treaty of Washington, at 1930 Treaty with Great Britain.
• Importante ang 1900 Treaty of Washington kasi sinabi doon: Spain ceded to the US "any and all islands belonging to the Philippine Archipelago lying outside the Treaty of Paris lines."
• Ibig sabihin: Kasama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga isla na nasa labas ng Treaty of Paris lines tulad ng Scarborough Shoal at buong Spratlys.
• Noon pa nalaman ng US na may maraming isla na naiwan sa labas ng guhit ng Treaty of Paris kaya gumawa sila ng second treaty noong 1900 para idagdag lahat ng ito pabalik sa Pilipinas.
• Noong 1938, mismong US Secretary of State Cordell Hull kinumpirma na Scarborough Shoal is part of the territory ceded to the US under the 1900 Treaty of Washington.
• Mahalaga ang Scarborough kahit maliit na bato lang, dahil may 12 nautical miles ito na mas malaki pa sa area ng Metro Manila. Lahat ng isda, langis, at yaman doon ay para sa bansang may-ari.
• May tatlong opisyal na Spanish era maps na malinaw na nagpapakitang kasama sa Pilipinas ang Scarborough at Spratlys:
* 1734 Murillo Velarde Map
* 1808 Carta General del Archipielago Filipino
* 1875 Carta General del Archipielago Filipino (pinaka complete)
• Ginamit pa ng US ang 1875 map sa international cases para patunayang bahagi ng Pilipinas ang mga islang ito.
• Kaya ang tunay na saklaw ng Pilipinas:
1. Lahat ng isla sa loob ng Treaty of Paris lines
2. Plus lahat ng isla ng Philippine Archipelago na nasa labas ng Treaty of Paris lines, ayon sa 1900 Treaty of Washington at makikita sa official maps.
• Dapat ituro ito sa lahat ng estudyante para malinaw sa bawat Pilipino kung gaano kalawak ang ating teritoryo.
• Hindi tayo squatter sa Scarborough at Spratlys. Atin yan noon pa. Misconception lang ang nagpahina sa paninindigan natin.

No comments: