Kung Ang Desisyon ng Korte Suprema Ay Ipatupad sa LAHAT ng Politiko, Malamang sa Malamang Mas Marami Pa ang Nasa NBI kaysa sa Batasan at magiging Masarap ang bawat umagang gising ng mga Pilipino at mawawala ang agam agam na ninanakawan Ang kaban ng bayan.
Tara, maging totoo tayo kahit minsan.
Kung ang 'Ligot lifestyle-check standard' (retired AFP Comptroller Lt. Gen. Jacinto C. Ligot) ay ipinatupad sa BUOING gobyerno; senador, kongresista, presidente, mayor, gobernador, heneral, political appointees… damay na rin mga taga bukas lang ng gate sa Bureau of Customs PH at syempre pati mga huwes na mahilig magkunwaring neutral, malamang mas mahabang pila sa Sandiganbayan kaysa sa Starbucks
Dahil simple lang naman ang sinasabi ng batas: Kapag ang yaman mo ay mas malaki pa sa sahod mo… congratulations, may “magic” kang hindi maipaliwanag. At pwede itong kumpiskahin, kahit pa ipangalan mo sa asawa, anak, kapatid, aso, manok, o kapitbahay mong biglang nagkaroon ng condo.
Yung Desisyon ng Korte Suprema Na Nagpa-Luha sa Maraming Public Servants
👇
Sinulat ni Justice Japar B. Dimaampao ang desisyong kumumpiska ng ₱155 milyon kay retired AFP Comptroller Lt. Gen. Jacinto Ligot.
Ayon sa Korte:
• Nasa pangalan ng buong barangay nila ang mga ari-arian; asawa, anak, kapatid, bayaw.
• Pero malas nila: lahat sila mukhang walang matinong income para magmay-ari ng kahit parking slot.
Nasa pangalan ni Ligot, ng kanyang asawa, mga anak, kapatid, at bayaw ang mga ari-ariang kinuwestiyon.
• Napatunayan na ang mga kamag-anak na ito ay walang sapat o lehitimong kita para magkaroon ng ganoong kalalaking bank accounts at properties.
Nag-trigger?
Simple lang:
Ombudsman: “Sir, based sa SALN mo, parang kulang ka ng… mga ₱150M.”
Ligot: “Ah… ano… blessing po?”
Nakita ng Ombudsman sa lifestyle check ang napakalaking agwat sa pagitan ng:
• Idineklara ni Ligot sa kanyang SALN (1982–2003), at
• Mga tunay na ari-arian, bank deposits, investments, at asset na natunton sa kanya o sa mga “fronts” niyang kamag-anak.
Pag sinabing “front,” hindi po ito negosyo. Ito yung kamag-anak na biglang may mansion kahit ang trabaho niya ay forever taga-bukas ng pinto sa bahay.
Ano ang pinakumpiska?
🏠 ₱102M sa properties (yung tipong mas marami pang lupa kaysa halamanan)
🏦 ₱53M sa bank at investments (pero ang declared income ay pang-jollibee lang)
➡️ Total: ₱155M ng Himalayan-level na “discrepancy”
Pinagtibay ng Korte Suprema, with matching eyebrow raise.
Ngayon… imagine kung ipinatupad ito sa LAHAT ng politiko.
1. Kalahati sa kanila mawawala sa Google Maps.
2. Yung kalahati naman, biglang “hospital arrest enthusiast.”
3. Political dynasties? Magugulat tayo kung ilan pala talaga ang may trabaho sa kanila.
4. Contractors na super-yaman overnight? Aba, baka hindi na nila maalala kung kailan sila nag-start maging bilyonaryo — “Ay oo nga pala, kagabi lang!”
5. Mga pamilyang walang regular na kita pero may 12 condo, 40 SUV, 3 trust funds, biglang magpapa-presscon ng “misunderstanding.”
Pero eto ang pinaka-spicy:
Pati HUKOM at MAHISTRADO, dapat may lifestyle check din. Di ba!?
Hindi puwedeng sila lang ang nagdedesisyon, pero sila rin ang pinaka-ayaw masilip ang SALN.
Kung fair-fair lang, wala nang sacred cow.
Wala nang malinis-by-title. At lalong walang “untouchable,” kasi baka sila rin ang pinaka-marupok. Para pantay pantay. Senate of the Philippines House of Representatives of the Philippines Department of Public Works and Highways DILG Philippines #SALN #SOCE #IllGottenWealth #OmbudsmanPH #SupremeCourtph #politicsph #taxpayers #voters #filipino #OFW #Philippines #highlights


No comments:
Post a Comment