Wednesday, November 05, 2025

Lagi na lang ganito.

Lagi na lang ganito —
--Tulungan mo na nak kapatid mo oh, kawawa naman..
--yung isa walang pang tuition.
--Abonohan mo muna, babalik ko din kagad..
--Pahiramin mo muna ko, bayaran ko sa katapusan..

Sabi pa, "Mas i-bless ka ni God kapag matulungin ka sa kapwa mo lalo kadugo."

Pero totoo?
Hindi ko naman obligasyon punan ang pagkukulang ng magulang sa mga anak nila.
Nakakapagod na rin, kasi parang ako na lang lagi ang takbuhan.
Pag may kailangan, ako agad.
Pag gipit sila, ako ang naaalala.
Pero pag ako na ang nangailangan, laging wala.
Pag nagkasakit ako, walang kumustang ni isa.
Pag baon ako sa utang, wala man lang nakaalala kung kumusta na ako.
Pero sa mata nila, ako pa rin ‘yung “mapera.”

Hindi ako bangko.
Hindi ako palaging may cash.
Hindi ako laging okay.
At higit sa lahat — hindi ko obligasyon punan ang pagkukulang ng iba.

Nakakainis kasi ‘yung mga taong sanay humingi, pero hindi marunong mahiya.
Yung tipong, “Pahiram muna ha,” pero deep inside alam mong wala nang babalik.
Yung ginagawang konsensya ang pangalan ni God — “Mas i-bless ka ni Lord pag tumulong ka.”
Pero ang totoo, ginagamit lang nila ‘yung kabaitan mo para tuloy-tuloy kang abusuhin.

Hindi naman sa ayaw kong tumulong, pero minsan gusto ko rin naman unahin sarili ko.
Hindi ko kasalanan kung pagod na ako, kung gusto kong mag-ipon, kung gusto kong mabuhay nang hindi laging may hinihila pababa.
Nakakainis lang kasi ‘pag hindi ka nakapagbigay, ikaw pa ‘yung masama.
Ikaw ‘yung tinatablan ng guilt trip, pero sila, walang konsensya kahit konti.

Hindi masama tumulong, pero masama kung sarili mo na ang sinasakripisyo mo para sa mga taong sanay lang umasa.
Kasi sa huli, kapag ikaw na ‘yung nangangailangan,
doon mo lang marerealize kung sino talaga ang may malasakit.

Kaya kung galit ka kasi hindi na ako nagbibigay
Sorry na lang. Hindi ako bangko. Tao ako, napapagod din.

#fblifestyle



No comments: