Naglabas ng matinding pahayag si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co laban sa administrasyon, kung saan inilahad niya ang umano’y direktang utos na magpasok ng P100 billion sa bicam para sa flood control at iba pang proyekto — kasama raw mismo ang Pangulo, ayon sa kanyang salaysay.
Ayon kay Co, “Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat… Hindi na ako mananahimik, ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo, may ebidensiya at may pangalan.”
Sinabi rin niyang tumawag umano sa kanya si Budget Secretary Amenah Pangandaman noong 2024, at sinabi raw na may instruction mula kay Pangulong Bongbong Marcos na magpasok ng malaking halaga sa bicam hearings.
Inihayag din niya na mismong si dating Speaker Martin Romualdez ang nagsabi sa kanya na “What the President wants, he gets,” matapos niyang i-report ang utos na insertion.
Dagdag pa ni Co, pinayuhan umano siya ni Romualdez na huwag munang bumalik ng Pilipinas matapos ang kanyang medical trip: “Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President.”
Giit ni Co, ginagamit umano ang buong resources ng administrasyon para patahimikin siya: “Gagamitin ako bilang panakip-butas… Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan.”
Courtesy: Office of Zaldy Co
No comments:
Post a Comment