Pag-commute sa public bus. Kahit mga ordinaryo at makamasang ginagawa ni Leni, pinupuna ng mga kumakalaban.
Marahil nagdududa ka. Sa isip mo, baka ginagawa lang niya para sa politika.
Pero kung titingnan, bago pa man siya pumasok sa pulitika noong 2013, ilang dekada na siyang umaakyat ng bundok, sumasakay ng bangka, tumatawid ng ilog, naglalakad kasama ang masa.
Isang pro-bono lawyer para sa mga nasa laylayan, abogadong hindi tumatanggap ng bayad, ipinaglalaban sa korte ang mga magsasaka, mangingisda, kababaihan, kabataan, at mga sektor na walang kalaban-laban.
Kumbaga, likas na sa kanya ang pangmasang serbisyo. Hindi pa-scipted. Hindi na ito bago dahil consistent siya magtrabaho.
Kung nagdududa ka ngayon, marahil hindi siya ang problema. Marahil ikaw. Marahil tayo.
Nasanay kasi tayong ang politiko ay sinasamba,
ituring na hari at reyna, nakaupo sa pedestal, hindi lumulusong sa baha o naglilinis sa kalsada.
Na-culture shock ka lang na may public servant pala na hindi nagsasabing, “Linisan niyo yan, linisin niyo ito,” kundi angsinasabi ay, “Tara, maglinis tayo.”
Si Leni, hindi yung pulitikong nagpapatawag ng tao para palakpakan siya. Siya yung lider na tahimik na bumababa, nakikisama, nakikibuhat, nakikibaka.
Kung ang pagtulong niya ay tinatawag mong drama, baka hindi siya ang kailangang pagdudahan.Baka ang tanong ay: Kailan pa naging mali ang makibaka't makisama sa bayan?

No comments:
Post a Comment