2016 — Naisabatas na ang Enhanced Anti-Hospital Deposit Law (RA 10932). Applicable to all Public and Private Hospital.
1. Bawal ang deposito bago magbigay ng basic emergency services, hindi maaaring manghingi ng bayad ang mga ospital o klinika bago tulungan ang pasyente sa emergency.
2. Paggamit ng LGU emergency vehicle - kung walang ambulansya ang ospital, puwede nilang gamitin ang sasakyan pang-emergency ng lokal na pamahalaan.
3. Emergency cases – kabilang dito ang panganganak at miscarriage, hindi dapat manghingi ang mga hospital ng deposito
4. Dapat ipaskil ang mga serbisyo – kailangang malinaw na nakasulat sa entrance ng ospital o klinika ang serbisyong kanilang ibinibigay.
5. Presumption of liability – mananagot ang ospital o klinika kung hindi in-admit ang pasyente na nagdulot ng mas matinding pinsala o kamatayan.
6. Mas mataas na parusa matapos ang amienda ng batas na ito. Narito ang mga parusa ayon sa batas:
1. Multa (Fine):
• Hindi bababa sa ₱100,000 at hindi hihigit sa ₱300,000 para sa unang paglabag.
• Para sa ikalawang paglabag, multa na mula ₱500,000 hanggang ₱1,000,000 at maaaring bawiin ang lisensya ng ospital o klinika.
2. Pagkakakulong (Imprisonment):
• Ang medical practitioner o hospital official na responsable ay maaaring makulong ng 4 hanggang 6 na taon.
3. Administrative Sanction:
• Ang Department of Health (DOH) ay may kapangyarihang magpataw ng karagdagang parusa, gaya ng suspension o revocation ng permit ng ospital.
Sina Rep. Tom Villarin (Co-author) at Rep. Angelina Tan (Chairperson, Committee on Health) ang nagsulong ng batas na ito sa kongreso. Pinirmahan ito ng yumaong si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III noong 2016.

No comments:
Post a Comment