Sunday, November 22, 2020

Ako ang magtatanong.

 Relaxing Sunday


Sa 7 years ko sa page na ito laging kayo ang nagtatanong. Pwede bang ako naman magtanong sa inyo? 


Mga Tanong:

1. Bakit kalabasa ang tawag pag bumagsak sa exam? Ano grade mo, kalabasa na naman?!!!


2. Bakit kamote ang tawag sa mahina ang utak? Utak kamote!


3. Bakit walang nagbebenta ng balut sa umaga?


4. Bakit walang naglalako ng taho sa gabi?


5. Bakit square ang box ng pizza samantalang circle naman ang pizza? 


6. Hot pa din ba ang hot sauce pag nilagay mo sa loob ng ref?


7. Pag na-ban ang plastic sa Pilipinas, kelangan mo na ba matakot at magtago?


8. Pwede bang lagyan ng ballpen ang Pencil Case?


9. Bakit ba tinawag na 2nd home ang School kung bawal rin matulog?


10. Bakit hindi bilog ang boxing ring?


Paki sagot nga po.



No comments: