Monday, November 16, 2020

Paalala sa binaha.

 #Philippines Para sa mga kababayan natin na nalubog ng tubig baha ang kanilang mga tahanan ay mangyari po lamang na tandaan ang simpleng bagay na posibleng makatulong sa inyong dagdag kaalaman.


Iwasan po lamang na gamitin muli ang mga nabasang APPLIANCES kung hindi pa ito napapatuyong mabuti o naaarawan sa labas ng inyong tahanan sa oras ng katanghaliang tapat o tirik ang haring araw upang patuyuin ang mga ito katulad ng mga halimbawa;


Flat Iron, Rice Cooker, Electric Heater, Washing Machine, Electric Fan, Oven Toaster at Electric Kettle na walang masyadong full electronic parts (PCB) sa loob nito at ilabas upang ipaaraw sa buong maghapon at kinabukasan kahit dalawa o tatlo o higit pang beses. Buksan ang harapan nito o parte ng appliances na dapat patuyuin at kayang-kaya nyo lamang buksan o galawin at ibalik din ito pagkatapos patuyuin.


Ang Refrigerator, Chest Type Freezer, Water Dispenser at Air-conditioning unit na may compressor ay SAFE naman ito dahil nakaSEALED TYPE o sarado ang copper tube nito sa loob maliban na lang sa mga de-motor at mga iilan lamang na electronics parts (PCB) nito na dapat patuyuin mabuti.


Tandaan na maliit ang tsansang magamit muli ang mga ELECTRONICS APPLIANCES katulad ng flat screen TV or CRT Monitor, Personal Computer or laptop, Component Stereotype, DVD player, Cellphone at tablet, atbp. kapag ito ay nabasa na or nababad sa tubig baha ng matagal lalo pa kung puro putik. Huwag nyo na po ito gagamitin or i-energize muli dahil posibleng PUMUTOK or makuryente pa kayo dahil may tubig pa ang mga ito sa loob ng mga semiconductors nito na maging sanhi ng SHORT CIRCUIT.


Sa mga CIRCUIT BREAKER naman ay kaylangan ipagawa, ipatingin at ipagbigay alam sa mga marurunong na kalalakihan or ELECTRICIAN kung sertipikado man o hindi basta ang mahalaga ay matingnan nila kung pwede pa gamitin o hindi na sa pamamagitan ng mga test instrument na IR tester or Insulation Resistance Tester (Mega Ohmmeter) gamit ng isang Electrician at Electrical Engineer.


Kung maglalagay ng pansamantalang kuryente sa mga kabahayan ay dapat paunti-unti muna ang paggamit nito, halimbawa ay ilaw muna at electric fan at huwag nyo i-todo bigla na gamitin lahat upang hindi magkaroon ng dahilan ng pag-iinit ng kable nito sa loob ng kesame at ganun din ang fuse o (CB) circuit breaker dahil posibleng basang-basa pa ang mga ito sa loob mismo at mga electrical wirings sa tubo or pipings, convenient outlet at switches. Kaylangan pa rin itong pasyalan o puntahan ng inyong pinagkakatiwalaang ELECTRICIAN.


Kaylangan ipasuring mabuti ang mga gamit at kung ang iilan ay basang-basa na ay huwag na po natin gagamitin o panghihinayangan pang gamitin muli lalo na kung mga ELECTRONICS APPLIANCES at mga LED lights at dapat na itong itabi o itapon. Maliban na lamang kung kayang-kaya pang galawin o ayusin o mabuo pa ng isang Electronics Repair Man o TECHNICIAN.


SHORT CIRCUIT ang isa sa mga dahilan din ng matinding sunog sa mga kabahayan kaya nararapat lamang na tandaan palagi ang mga simpleng paalala na ito para sa ikabubuti ng gamit nyo at ng buong bahay nyo pati sa kaligtasan ng bawat tao.


Keep SAFE pagdating sa kuryente.


#PRC_LEP

#NLEP

#Civilian


https://www.facebook.com/PasigNewsToday/videos/1618957388272081/

No comments: