Palpitation
Tumutukoy ang mga palpitation sa pakiramdam na ang iyong puso ay mabilis o iregular ang pagtibok. Inilalarawan ito ng ibang tao na "bumabayo" o "lumalaktaw na mga tibok". Maaaring mangyari ang mga palpitation sa mga taong may sakit sa puso, ngunit pwede ring mangyari sa mga malusog na tao.
Mga kaugnay-sa-pusong sanhi:
• Arrhythmia (isang pagbabago mula sa normal na rhythm ng puso)
• Sakit sa mga balbula ng puso
Mga hindi-kaugnay-sa-pusong sanhi:
• Ilang mga gamot (gaya ng mga inhaler para sa hika at pang-alis ng bara ng ilong)
• Ilang mga supplement na herbal, energy drinks at pills, at mga pampabawas ng timbang na pills
• Iligal na mga drogang pang-stimulant (gaya ng cocaine, crank, methamphetamine)
• Caffeine, alkohol at tabako
• Mga kalagayang medical gaya ng sakit sa thyroid, anemia, pagkabalisa at panic disorder
• Kung minsan ay hindi matagpuan ang dahilan.
PANGANGALAGA SA BAHAY:
Iwasan ang labis na caffeine, alkohol, tabako at anumang mga drogang stimulant.
MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor.
MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod na may mga palpitation:
• Panghihina, pagkahilo, pakiramdam na gumaan ang ulo o pagkahimatay
• Pananakit ng dibdib o kakapusan ng hininga
• Mabilis na tibok ng puso (mahigit 120 tibok bawat minuto, nang nakapahinga)
• Mga palpitation na tumatatagal ng 20 minuto
• Panghihina ng isang braso o binti o isang bahagi ng mukha
• Nahihirapan sa pagsasalita o paningin
Note
For more health info, please visit like Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy page.
Click the link below:
https://www.facebook.com/drgarysy/
No comments:
Post a Comment