Para Maging Mabait at Mapagmahal ang Bata (Caring Kids)
Subukan itong 4 Tips
Payo ni Doc Willie Ong
1. Gawing prayoridad ang pagiging maalalahanin sa kapakanan ng iba.
Sa halip na sabihin sa anak: "Ang pinakamahalagang bagay ay na ikaw ay masaya," ang nararapat na sabahin ay "Ang pinakamahalagang bagay ay ikaw ay mabait." Siguraduhin na sila ay may pag-galang tuwing nakikipag-usap sa matatanda kahit na sila ay pagod, nagambala, o nagalit.
2. Sanayin ang bata sa pagmamalasakit at pasasalamat.
Ang mga bata ay kailangang magsanay sa pag-aalaga sa iba at magpahayag ng pasasalamat sa mga nagmamalasakit sa kanila. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong nasa ugali ng pagpapahayag ng pasasalamat ay mas magiging kapaki-pakinabang, mapagbigay, mahabagin, at mapagpatawad. At malamang ay maging maligaya at malusog din sila.
3. Maging isang modelo o role model sa pagiging mabait.
Kailangan nating gawin ang tapat at tama para gayahin tayo ng mga bata. Ngunit hindi ito nangangahulugan na perpekto tayo sa lahat ng oras. Kailangan nating kilalanin ang ating mga pagkakamali at mga depekto. Kailangan din nating igalang ang pag-iisip ng mga bata at pakinggan ang kanilang pananaw.
4. Gabayan ang bata kapag nagagalit o naiinis sila.
Narito ang isang simpleng paraan huminahon ang bata: hilingin sa iyong anak na huminto, kumuha ng malalim na hininga sa pamamagitan ng ilong at huminga nang palabas sa bibig (deep breathing). Sanayin ang anak maging kalmado kapag nakita na siya ay napagod. Pagkaraan ng ilang sandali magsisimula siyang gawin ito sa kanyang sarili upang maipahayag niya ang kanyang damdamin sa tamang paraan.
No comments:
Post a Comment