Friday, November 27, 2020

Panic disorder.

 Panic Disorder


Ang Panic Disorder ay isang karamdamang pang-kaisipan (mental disorder) kung saan may paulit-ulit o pasumpong-sumpong na atake ng panic — Panic Attacks (sobrang nerbiyos). Isa itong uri ng Anxiety Disorder.


Mga posibleng nararamdaman: 

1. palpitations (kumakabog ang dibdib, nararamdaman ang tibok ng puso, mabilis ang tibok)

2. pinagpapawisan ng malamig/malapot, nanginginig/nangangatog

3. hindi makahinga

4. sumasakit ang dibdib/nagsisikip ang dibdib

5. parang nasusuka o sumasakit ang tiyan

6. parang hihimatayin

7. nanlalamig

8. namamanhid ang ilang bahagi ng katawan; at parang nangingilo ang mga kamay o paa. 

9. pakiramdam mo para ka ng “mababaliw” o “bibigay na” o “feeling ko mamatay na ako.” 


Ano ang kaibahan ng Panic Disorder sa ibang mga Anxiety Disorder?

Karaniwan, walang trigger ang mga panic attack talagang dumarating lang ito ng pabugso-bugso ng walang trigger o specific na dahilan.


Tulong Pangsarili

• Huminga ng maayos. Ang paghinga sa tulong ng iyong diaphragm o tiyan ay makakatulong na mabawasan ang pagkabahala o pagkatakot na nararanasan.


• Pakalmahin ang iyong sarili. 

Ang pagpapakalma sa sarili mo ay makakatulong din na matapos na ang nerbyos sa mismong oras ng pag-atake. Sa panahon na panatag na ang iyong kalooban at isip, pag-aralan ang mga bagay na pwedeng makapagpakalma sa iyo.


• Irelax ang iyong katawan hangga’t maaari. Ang pag relax ng iyong katawan ay makatutulong na mahinto o mabawasan ang pagpapalabas ng katawan mo ng stress response. Kapag ang tugon na ito ng katawan ay mahinto o mabawasan, makakatulong ito para humupa na ang iyong nerbyos.


• Maglakad lakad ka muna. 

Ang paglalakad-lakad o pamamasyal ay nakatutulong na mahinto ang pagpapalabas ng katawan mo ng stress response.


• Mag isip ng positibo. 

Baguhin ang iyong pag-iisip at galaw sa kasalukuyan. Tandaan din na ang pag-atake ng nerbyos ay palaging natatapos din naman. Habang kinakalma mo ang iyong sarili, mas lumiliit ang posibilidad na ang iyong mga pangamba ay mauwi sa nerbyos.


• Bawasan ang stress, dagdagan ang pahinga at bigyang panahon ang iyong katawan na kumalma. 


Treatment

Sa pamamagitan ng gamot (anti-anxiety) at psychotherapy. Hindi po agad-agad nawawala ang mga sintomas pero ito ay gumagaling.







No comments: