Ang gout ay isang uri ng sakit kung saan namamaga ang kasukasuan. Karaniwan, ito ay nakakaapekto sa hinlalaki sa paa at sa iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Kilala rin ito bilang gouty arthritis.
Ang pangunahing sanhi ng gout ay ang pagkakaroon ng sobrang taas na uric acid sa dugo. Kapag hindi ito naibaba o naipapalabas ng iyong mga bato, naiipon ang uric acid sa iyong dugo at bumubuo ng kidney stones. Bagamat hindi lahat ng taong may mataas ang blood uric acid ay nagkakaroon ng gout attack, maaaring pa ring maranasan ang mga sintomas nito tulad na matinding sakit sa isang bahagi ng iyong buto sa kasukasuan at nahihirapan kang igalaw ang bahaging ito. Pamumula, mainit, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan, pagkati ng kasukasuan, matinding sakit sa apektadong bahagi ng katawan.
Paano maiiwasan ang gout?
Maiiwasan ang gout sa pamamagitan ng wastong pagkain, pag inum ng sapat na bilang ng tubig kada araw, pagpapanatiling nasa kondisyon ang katawan at kalusugan.
Iba pang mga paraan upang maiwasan ang gout:
• Siguraduhin wasto at balanse ang pagkain; ang pagkain ng mga nakakataba ay nakakalala ng kondisyon
• Kumain ng gulay
• Mag-ehersisyo; pinapatibay nito ang muscles, kasu-kasuan, at buong katawan
• Siguraduhing tama ang timbang; ang pagkasobra sa timbang (overweight) ay nakatataas ng posibilidad na magka-gout
• Iwasang uminom ng sobrang alak; ang alkohol ay nakakadulot ng gout
• Iwasan ang mga pagkaing mataas sa purine kagaya ng isda, sardinas, at karne; ang purine ay nakakadulot ng gout.
• Uminom ng gatas; pinapatibay nito ang mga buto.
Panoorin po itong video:
https://youtu.be/MvxBZGm4OCg
No comments:
Post a Comment