SUPER STRESS
Pag sobra na ang stress niyo ang muscles sa batok at upper back ang unang sumasakit. Parang laging may stiffed neck at mabigat ang likod mula sa batok at balikat hanggang likod. At posibleng makaranas kayo ng involuntary twitching ng muscle sa may paligid ng mata na parang pumipitik o kumukurap-kurap. Nangyari na po ba sa inyo yan?
Sigurado akong nakaranas na ang karamihan sa inyo nyan. Ang unang dapat gawin ay umiwas sa stress!
Kaya umpisahan natin ang araw ng tama.
Step 1. Pagkagising tumingin sa salamin at sabihin... Ang kyut kyut Ko! (sa sarili lang at dapat walang ibang makarinig para kunwari totoo)
Step 2. Mag unat-unat, kumembot kembot.
Step 3. Tama na yan, mag toothbrush ka na.
Step 4. Uminum ng dalawang basong tubig na maligamgam.
Step 5. Maligo ng mainit-init na tubig. (Wag kumukulong tubig)
Step 6. Kumain ng tama. (Matanda ka na alam mo na yung tama at mali)
Step 7. Umalis ka na ng bahay kung may trabaho ka. Kung wala, maglinis ka na ng bahay at gawin na ang iba pang gawaing bahay. (Wag na magreklamo at walang ibang gagawa niyan)
Step 8. Buong araw wag tumingin sa pangit. Lahat ng pangit iwasan... pangit itsura, pangit ugali, pangit na kapaligiran at madami pang pangit sa buhay.
Step 9. Kung ikaw yung pangit stay home. Tumulong ka sa sambayanan na wag makaperwisyo sa kapwa.
Step 10. Itapon lahat ng bwisit sa buhay. (Pati yang katabi mo ngayon)
Yan po mga tips to stay happy always and forever. Of course, biro lang yan. 😊
Mga bwisit tabi dyan! 🤪
No comments:
Post a Comment