Paalala lang po sa mga nagtratrabaho pa sa ngayon at nasa edad 40 pataas.
Mahirap tumandang mag-isa, lalo na pag may sakit at walang naipong pera. Hindi masama ang maging mabait at mapagbigay sa kaibigan o kamag-anak. Sa ating pagbibigay doon tayo pinagpapala.
Pero yung wala kang iniiwan para sarili mo, yun ang malaking mali. Maliit o pakunti kunti man ay matuto tayong magsinop, mag ipon ng ating pinagpaguran ngayon. Responsibilidad mo higit kanino man ang pangalagaan ang future mo. Hindi ka habang buhay na malakas, hindi ka habang buhay na makakapagtrabaho.
Pagdating ng panahon ikaw ay tatanda at manghihina, ang kasikatan ay malalaos, ang galing at husay mo ay lilipas. Ang mga naitulong mo ay makakalimutan. Ngayon pa lang nararamdaman ko na yan. Akala ko madami akong tunay na kaibigan noong araw yun pala dahil nakikinabang lang sila. Ikaw na dating kinakapitan ay mangangailangan din ng pagkakagastusan. Maging mahusay sa paghawak ng iyong kinikita habang ikaw ay malakas pa dahil iyan ang realidad na... Hindi Mo Hawak ang Bukas.
At the end of the day, “Only you can help yourself.”
Pusuan niyo po kung naniniwala kayo sa post na ito. Salamat po. ❤️
No comments:
Post a Comment