Tuesday, November 24, 2020

Ubo cough

 Maraming Klase ng Ubo


Alamin ang iba’t ibang klase na ubo. Ang ibang uri ng ubo ay hindi mapanganib at nagdadala lamang ng bahagyang sagabal at merong naman na maaaring galing sa mga malubhang sakit.


😷 Productive Cough (maplemang ubo) – Ito ay may kasamang sipon at plema. Kalimitang nagbabara ang lalamunan at daluyan ng hininga kapag may productive cough kaya may kasama pahirap sa paghinga.


😷 Non-Productive Cough (tuyong ubo) – Ito ay walang kasamang plema at maaaring manggaling sa impeksyon, virus at allergy.


😷 Short Term o Acute Cough (panandaliang ubo) – Ito ay karaniwang gumagaling sa loob ng 1-2 linggo. Ito ay maaaring nakakahawa depende sa karamdamang nagdulot nito. Halimbawa: Acid reflux (GERD) dahil sa itritation sa lalamunan (larynigitis).


😷 Sub Acute Cough - Ang ubong ito ay nananatili pagkatapos gumaling sa ubo’t sipon at iba pang impeksyon sa baga at daluyan ng hangin. Tumatagal ito ng mga 3 hanggang 8 na linggo.


😷 Chronic Cough (matagalang ubo) – Ito ay pabalik-balik at maaaring umabot ng 8 na linggo. Ang halimbawa nito ay ang bronchitis, emphysema, chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at asthma.


TANDAAN:

Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat po. 


For more health info, please visit like Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy page. 

Click the link below:

https://www.facebook.com/drgarysy/

No comments: